SUBUKANG kausapin ang dating nakatira upang iyong maramdaman ang uri ng chi na kanilang na-project sa nasabing bahay.
Tingnan kung ikaw ay makakukuha ng impresyon ng kanilang pisikal na kalusugan, mental well-being at emotional happiness sa pamamagitan ng pakikipagkita sa kanila. Kung sila ay mag-asawa, maaari mong makuha ang impresyon kung paano nila tratuhin ang bawa’t isa.
Maaari ka ring magsaliksik sa local records o sa Internet upang mabatid kung mayroon ka pang makukuhang higit pang impormasyon na dapat mong malaman.
Kung hindi mo magawang kausapin ang dating mga residente, kausapin na lamang ang kanilang dating mga kapitbahay upang iyong maramdaman kung anong klaseng tao sila.
Makatutulong kung iyong mababatid ang hinggil sa kanilang kalusugan, marital problems o financial challenges.
Ang isang tahanan na may nakatirang masaya at malulusog na mga tao ay tiyak na mayroon ding chi na katulad ng uri nito.
ni Lady Choi