Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alma, nag-uumpisa nang mangampanya

060915 Alma Moreno
LUMABAS ang pictures ng keychain photos ni Alma Moreno kamakailan which fueled further rumors na kakandidato siya bilang senador in next year’s national election.

Pero hindi nakaganda ang paglabas ng photo dahil parang lumalabas na early campaign iyon for her candidacy.

Marami nga ang nega ang comments sa napipintong pagtakbo niya bilang senador.

“anong gagawin mo dyan sa senado marami ng artistang nahalal dyan nag mukhang pala muti lang ang dalawa nakakulong pa kasi puro katarantaduhan ang pinag gagawa. tapos kaalyado mpa si binay at si erap dyos ko po rudy.”

“Ano na ba ang bagawa itong Alma Moreno for her to deserve my vote???Wala!!! Napaka ambisyosa naman sya!! Wala na bang makuha ni Binay na iba??? wala!!! Hahahaha!!!”

‘Yan ay dalawa lang sa nakakalokang comment.

“Lahat naman may karapatang kumandidato, kung eligible. Maganda nga puro artista na lang ang mga senador. Bong Revilla, Lito Lapid, Tito Sotto, Jinggoy Estrada, atbp. All star cast. Eh di ‘pag nanood ka ng session, para ka na ring nanonood ng teleserye. Only in the Philippines, again. BTW, hindi pa ba nangangampanya lahat ng pulitiko ? Facebook, TV, media — sila na lang lagi ang laman,” tila depensa naman ng isang supporter ni Alma.

Naku, lahat naman ay may karapatang tumakbo. Kung gusto ni Alma na tumakbo, sino ba naman ang makapipigil sa kanya? Trip niya ‘yon kaya ‘wag n’yo nang kontrahin.

Ang mas higit niyang bigyan ng pansin ngayon ay kung paano siya mananalo.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …