Tuesday , December 24 2024

James, nairita raw sa sunod-sunod na event ng bagong teleserye

051115 james reid
TOTOO kayang super imbiyerna si James Reid dahil sobra siyang napagod sa sunod-sunod na event ng kanyang latest soap with Nadine Lustre?

Halatang nawala na raw sa mood si James dahil maaga pa lang ay nasa morning show na sila ni Kris Aquino. Tapos sa tanghali naman ay presscon for it. Another presscon for bloggers followed in the afternoon.

Sa gabi naman, may premiere night ang kanilang teleserye.

Sa blogger’s presscon pa lang daw ay nakasimangot na ang binata, parang ayaw nang magpainterbyu at si Nadine na lang daw ang satsat nang satsat.

Nakapapagod nga naman ang apat na events in one day.

Anyway, true ba ang lahat ng chikang ito na nakarating sa amin? Pakisagot nga.

Pati Kapuso executives nag-walk-out daw…
65th ANNIVERSARY CELEB NG GMA, INALISAN NG TAO

LAUGH kami ng laugh nang mabalitaan namin na marami pala ang nag-walkout na audience during the 65th anniversary celebration of GMA-7.

After daw ng performance nina Bea Binene and Derrick Monasterio ay naglabasan daw ang mga utaw. Hindi nila ma-take ang walang kuwentang show na tinadtad pa ng games. Halos wala na raw natira sa audience. Maging ang press daw na invited ay nag-walkout na rin. How sad!

And what’s funny is that pati raw dalawang executives ng Siete ay nag-walkout na rin. Hindi na rin daw nila tinapos ang kanilang palabas.

Nakakalokang tunay, ‘di ba?

Naku ha, ‘wag kaming akusahan na nag-iimbento dahil ang nagbalita sa amin ay mismong naroon sa event at nasaksihan niya ang lahat ng pangyayari.

Pahiyang-pahiya nga raw si Megan Young dahil nang lumabas ito bilang finale number para i-promote ang show niya ay halos wala ng utaw.

BUHAY NI MLQ, GINAWANG CONTEMPORARY PARA MAY APPEAL SA KABATAAN

PARA maging appealing at interesting sa kabataan, ginawang contemporary ang #ýMLQ: Ang Buhay Ni Manuel Luis Quezon, Isang Dula na bahagi ng 75th Foundation Day ng Quezon City sa pamamahala ni Mayor Herbert Bautista.

“This is actually the second time. The local government  commissioned it for the 70th anniversary of Quezon in 2009. We all know what happened in 2009. We had Ondoy, we had calamities, so it had to be toned down because of the calamity. This play was shown just once at PETA. We thought that people should know about it and appreciate it. This is a new staging, bigger, better perspective,” paliwanag sa amin ni Regina Samson, Communication Coordination Head from the Office of Mayor Herbert.

Dapat ay naroon si Mayor Herbert pero may importanteng meeting sila sa Liberal Party kaya hindi siya nakadalo.

Anyway, sabi ni Maricel Ticar Santos, executive producer of Full House Asia Productions, Inc. which is producing the play, they did it on purpose.

“It’s contemporary because the setting is modern contemporary. They were asked to write something about MLQ. Siyempre, when you write about MLQ, they have to research and  they found out things about him and while they were researching, parang ‘yung thought bubble nila, habang binabasa nila, it is being depicted on stage noong time na ‘yon. It’s like juxtaposition. Ganoon ang approach niya to make it more interesting to the students,” paliwanag niya.

Si Arnold Reyes ang gaganap bilang Manuel L. Quezon (alternate niya si Gian Magdangal) and Chinie Concepcion as Aurora Quezon. Ipalalabas ito sa KIA Theater sa Cubao on Aug 19, 20, 21, 26, 27, 28.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *