Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Nabuntis at nanganak

Good pm po,

Gusto ko lang po malaman ano po ibig sabihin ng baby sa panaginip? Nanaginip po kc ako buntis daw po ako tapos nanganak daw po ako eh nd nman po ko mabuntis?? Ano po ibig sabihin nun? Pa txtback po (09753959546)

To 09753959546,

Ang panaginip ukol sa baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ukol sa baby ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself.

Kapag nanaginip na nagsilang o kaya ay nakakita ka ng ibang babaeng nanganganak, ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nanganganak sa bagong idea o proyekto. Kung buntis ka talaga sa totoong buhay, maaaring ito ang rason ng panaginip mo. Ikaw ay nag-aalala sa magiging kalagayan mo matapos manganak o kaya naman ay may agam-agam ka sa panganganak, lalo’t kung ito ay first baby mo pa lang. Ito ay nagre-represent din ng new attitude, fresh beginning o ng major event. Alternatively, posible rin namang ito ay pamamaraan upang kunin ang atensiyon mo hinggil sa inner child within you at ang potensiyal upang ikaw ay umunlad o mas umunlad pa. Kung naghahangad ka namang mabuntis pero hindi ito nangyayari, iyon ang rason kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo. Lagi kasi itong nasa isip mo o palagi mo itong hinahangad, kaya nakakintal na sa isipan mo at nag-manifest sa iyong panaginip.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *