Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jam, may schizophrenia at ‘di drug addict (Tulong mula kay Aiko)

080615 aiko melendez deborah sun jam
ISANG umiiyak na Deborah Sun ang nakapanayam ng Startalk over the weekend. Tugon ‘yon sa kumakalat na balitang on drugs na naman daw ang kanyang anak na si Jam Melendez.

NOT TRUE.

Ang totoo, naputulan nga siya ng koryente sa tinirirhan nila ni Jam (‘yung isa niyang anak is behind bars at ‘yung bunso ay nasa ibang palapag ng condo building).

Among the few people na takbuhan ng character actress ay si Boy Abunda. In fact, palagi raw itong nakasaklolo sa kanilang mag-iina.

Ang totoo rin, Jam is suffering from schizophrenia. Ito’y isang long-term na mental disorder na ibig sabihin ay mayroong abnormality in his behavior, hindi na alam ang totoo sa hindi at sumasalungat ang kaisipan  sa wastong paniniwala.

Ayon sa sumuri kay Jam, ang sanhi raw ng naturang sakit ay depression.  Hindi pala kinaya ni Jam ang pakikipagkalas ng kanyang nobya.

Bilang patunay, ipinakita ni Deborah sa Startalk ang clinical abstract ni Jam dated June 2012 na base sa naging pagsusuri ng isang community hospital na positibo sa schizophrenia ang anak.

May halong galit sa himig ng aktres patungkol sa mga taong nagkakalat na gumon sa droga si Jam.  Siya raw noon, oo, but Jam has never been on drugs. Ang sinubukan lang daw ni Jam ay magdamo, ”Pero hindi ‘yon palagi.

 Tulong mula kay Aiko

Hindi ba nagpapaabot ng tulong ang kapatid ni Jam na si Aiko Melendez?

Ani Deborah, nang minsan daw niyang makontak si Aiko (na papalit-palit daw ng numero), wala raw itong pera pero sa pagkakaalam niya ay marami naman itong projects.

In a separate interview by Startalk kay Aiko, aniya, who is she not to help her brother? Pero dapat daw ay si Jam ang lumapit sa kanya.

Sagot ni Deborah, si Jam daw ang maysakit kaya’t ito ang dapat dinadalaw.  Hindi nga raw makalabas ng bahay si Jam.

Sa paglalarawan ng program staff na sumama sa bahay ni Deborah sa Mandaluyong, naabutan nitong marungis daw si Jam. ”He was reeking of foul smell,” naaawang kuwento ng nakakita kay Jam.

Kilala namin ang pagiging mapagmahal ni Aiko sa kanyang mga kaanak. Minsan na rin naman niyang tinulungan si Jam nang makulong ito years ago.

For sure, mas magri-reach out pa si Aiko kay Jam to give her brother all the help he badly needs.

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …