NABUKING namin nang unang masingkaw si Papa Alden Richard sa Sunday All Star (off the air na), ay nagka-isyu pala sila ni Julie Anne San Jose).
“Crush ko po siya noon. Pero when I realized na she’s too young to get seriously involved with the opposite sex, umatras ako. Mahirap matawag na cradle-snatcher,” ito ang sey ng kalabtim ni Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!.
Meanwhile, kay Jake Vargas naman natsitsika ngayon si JAS. Mag-sweetheart ang dalawa sa sa iang show kaya lagi silang nakikita together.
“Feeling ko ang long long ng hair ko dahil may ka-triangle na kami ni Jake. Ito’y ang campus bully and handsome Juancho Trivino,” pagmamalaki ni Julie Anne na for a time ay napaghinalaang tibo o Tivoli dahil walang boylet sa buhay.
KUROT LANG – Nene Riego