Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT, inapi ng TV5?

080415 lorna tolentino

00 SHOWBIZ ms mHINDI naiwasang magkatinginan at mag-react ng ilang entertainment press na naimbitahan sa launching ng pinakabagong sitcom ng TV5, ang Misterless Misis nang unang-unang tinawag si Lorna Tolentino sa anim na bida rito.

Kasama rin dito na simulang mapapanood sa August 9 sina Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdez, Ruffa Gutierrez at ang baguhang si Andi Gomez.

Kapansin-pansin ding hindi iniupo si LT sa mas magandang upuan samantalang kung tutuusin siya ang pinakasikat sa mga kasamahan niya at multi-awarded actress pa. Hindi man iyon pansin ng mga taga-TV5 at ‘di sinasadya, hindi iyon nagustuhan ng entertainment press. Dapat daw ay ibigay ang nararapat na respeto at pagpapahalaga sa isang Lorna Tolentino.

Samantala, bibigyang buhay ng anim na magkakaibigan na sabay-sabay humaharap sa responsibilidad bilang ina, breadwinner, at matatag na Misterless Misis sa paraang magpapatawa sa mga manonood.

Gagampanan ni LT ang papel ni Jenny, ang career-oriented woman na pagod na pagod pagdating sa pag-ibig. Ipakikita rin ni LT ang kakayahan niya sa komedya. Isang OFW na pinapaulanan ng tsismis tungkol sa pangangaliwa ng kanyang asawa naman ang gagampanan ni Gelli. Si Ritz naman si Mia, ang sexy at misteryosang babaeng bagong lipat na pagmumulan ng bulungan at tsismis.

Si Mitch si Elsa, ang bagong biyudang nahihirapang makapag-move-on sa pagkamatay ng asawa. Si Andie naman si Tiny, na ang anak niyang si Elsa ay nabuntis sa pagkadalaga. Si Ruffa namans I Diana na hiwalay sa asawa ngunit hindi sumusuko sa paghahanap ng Mr. Right.

Ang Misterless Misis ay idinidirehe ni Mark Meily at napapanood tuwing Linggo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …