Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, the next Dawn Zulueta

080415 Bea Alonzo Dawn Zulueta
FLATTERED yet humbled. Poised as ever, isang mala-diyosang Dawn Zulueta ang sumipot sa presscon ng pelikulang The Love Affair.  Pero as always, Dawn’s goddess-like stance is a given.

Mas lumutang sa aktres ang humility niya lalo’t to high heavens ang mga papering tinanggap niya mula sa kanyang co-star na si Bea Alonzo.  A minor goddess compared to Dawn, hindi malayong sa aura at sense of professionalism ni Bea, she’s likely to emerge to be the next Dawn Zulueta.

“I want to be like Ms. Dawn,” sabi ni Bea, habang nakangiti ang kanyang idol with her hands clasped na nagtatawid ng taospusong pasasalamat.

Kahit hindi sa harapan, ang laging kakuwentuhan ni Bea na si Richard Gomez sa set ang napagsasabihan nitong, “Ang ganda-ganda talaga ni Ms. Dawn, Kuya Richard.”

As her gesture of gratitude, Dawn is looking forward to working with Bea again sa mga susunod pang proyekto because of the latter’s work attitude.

Ano naman ang tingin ni Bea kay Richard?

“Para kasi siyang hindi seryoso sa buhay,” in other words, cool and relaxed.

‘Yun daw ang attitude na gustong i-apply ni Bea sa kanyang sarili, “I get too serious that I don’t get to enjoy life anymore.”

Pero bago n’yo isiping hindi na nae-enjoy ni Bea ang relasyon nila (or is Love affair?) nila ni Zanjoe Marudo, “We’re okay.  Siyempre, may mga problema kami but we manage to fix them.”

The Nuel Naval-megged film hits the theatres on August 12.

NAKARELASYON NI JIMBOY, WILLING MAGPA-AIDS TEST

TINUNGO ng Startalk noong Miyerkoles ang kinaroroonan ng dating nobyo ni Jimboy Salazar na si John Danan sa Pampanga.

It was a day after Jimboy was finally laid to rest.

Ayon kay John, hindi siya nakadalaw sa ilang araw na burol ng dating kasintahan dahil nagkataong patay ang kanyang lola.  As much as possible, ayaw na nga raw niyang magsalita para matigil na rin ang kanyang mga basher insinuating na mayroon din daw siyang HIV o AIDS tulad ng pinalalabas ng marami na siyang naging sanhi ng pagkamatay ni Jimboy (July 24).

But John was confident that his former partner didn’t have the dreaded disease.  Kahit noong nagsasama pa raw sila (magtatatlong taon na raw sila if they didn’t break up), all he knew ay may diabetes si Jimboy, hence ang pamamayat at pagbagsak ng katawan nito.

As a couple, ayon kay John, they practiced safe sex.

Pero willing naman daw si John na sumailalim sa pagsusuri, pero pinagpipilitan niyang hindi HIV o AIDS ang ikinamatay ni Jimboy.

Samantala, tinuhog na rin ng Startalk ang muling kapanayamin si Mrs. Delia Sta. Maria, ina ni Jimboy, sa San Miguel, Bulacan.  Aniya, patahimikin na raw ang kanyang anak ng mga taong nagkakalat that her son died of AIDS.

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …