Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Agoncillo, gustong sundan ang yapak ni Kim Chiu

080315 Kim Chiu Jana Agoncillo

00 Alam mo na NonieMARAMI na palang nasalihang TV series ang pinakabagong child star sa bakuran ng ABS CBN na si Jana Agoncillo. Bago naging bida sa Dream Dad kasama si Zanjoe Marudo at ngayon saTV series na Ningning, lumabas pala si Jana sa Honesto at Ikaw Lamang.

Siya ay nagsimulang umarte sa harap ng camera two years ago sa TV series na Honesto na pinagbidahan ni Raikko Mateo. Tapos ay gumanap siyang anak ni Kim Chiu sa star-studded na seryeng Ikaw Lamang na tinampukan din nina Coco Martin, Julia Montes, KC Concepcion, at iba pa.

Ang five year old na si Jana ay na-discover sa commercial ng isang fast food. Siya ang bibang bata na kumakanta roon kasama ang veteran actress na si Marita Zobel.

Sa Ningning, si Jana ay isang masayahing bata na puno ng pag-asa, pangarap, at pagmamahal para sa kanyang mga magulang na sina Lovely (Beauty Gonzales) at Dondon (Ketchup Eusebio).

Ano ang role niya rito? “Ako po rito si Ningning, isang bibong bata na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay… simple lang po ang buhay namin dito at nakatira kami sa napakagandang isla baybay,” esplika pa ng Kapamilya child star.

Sinabi pa ni Jana na sobra ang pasasalamat niya sa muling pagbibida niya sa bagong TV series ng Kapamilya Network. “Sobrang saya ko po kasi napili po ako ulit. Kaya lagi po akong nagpapasalamat at sabi po ni Mommy Peachy ko, manatili pa rin po akong simple at normal,” saad ni Jana.

Ayon pa kay Jana, marami siyang favorite na aktres mula sa ABS CBN. Kabilang daw dito sina Sarah Geronimo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Bea Alonzo, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, at Kim Chiu. Pero kung sakali, gusto raw niyang sundan ang yapak ni Kim.

Bukod daw kasi sa lagi niyang napapanood at magaling ang aktres, nakasama daw niya kasi si Kim sa Ikaw Lamang.

Anyway, kasama rin nina Beauty, Ketchup, at Jana sa Ningning ang ilan sa hinahangaang artista sa industriya na sina Sylvia Sanchez, Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Pooh, at John Steven de Guzman. Tampok din sa seryeng ito sina Nonie Buencamino at Franco Daza.

Ang Ningning ay napapanood bago ang It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng TV series na ito, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …