Tuesday , February 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: West part ng bahay may kaugnayan sa pagyaman

00 fengshuiANG west part ng inyong bahay ay may kaugnayan sa iyong pagnanais na yumaman, feeling romantic at pagiging kontento, habang ang north-west ay may kaugnayan sa feeling in control, pagiging organisado at pagkilos nang ginagamit ang talino.

Ang mga aspetong ito ng iyong buhay ay maaaring maapektuhan kung mayroon kang ano mang bagay na nagbubuo ng fire chi roon. Ito ay maaaring boiler, cooker (gas or electric), fireplace o oven.

Ang west and north-west areas ay may kaugnayan sa metal chi, at ang enerhiya nito ay maaaring mawasak ng fire chi kung may kakulangan sa soil chi. Ang solusyon dito ay ang pagdagdag ng maraming soil chi upang ma-harmonize ang fire at metal chi.

Ang pinakamadaling paraan sa paggawa nito ay ang paggamit ng bagay na nagdudulot ng malakas na soil chi energy. Ang convenvient option ay ang paglalagay ng charcoal sa clay pot (maipapayo ang paggamit ng stick ng artist’s charcoal at pagpira-pirasuhin ito). Ito ay lalo pang mapagbubuti sa pamamagitan ng paglalagay ng pot sa ibabaw ng dilaw na tela.

Ang iba pang mga item na makatutulong ay ano mang bagay na yari sa clay, o bagay na dilaw at may low, flat shape. Idagdag pa rito, ang lupa sa halaman ay nagdudulot ng soil energy. Ang yellow flowering plant sa clay container ay lalo pang pagbubutihin ang mga ito.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Globe binago koneksiyon higit pa sa bilis sa The Blueprint QI 2026

Globe binago koneksiyon higit pa sa bilis sa The Blueprint QI 2026

BINUKSAN ng Globe Telecom ang taon gamit ang isang matapang na mensahe sa kanilang flagship quarterly media …

Puregold Pusong Panalo Program

Mas makabuluhang layunin para sa retailtainment ng Puregold: popondohan mga ‘naiiwang’ paaralan

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club …

DOST PSU ASIN

DOST, PSU launch country’s first ASIN R&D Center in Binmaley

BINMALEY, Pangasinan — The country’s first ASIN (Salt) Research and Development Center was formally launched …

Pag-IBIG BBM

Pag-IBIG backs precast housing with Megawide, targets over 7,000 units in two years

Pag-IBIG Fund highlighted the role of public-private partnerships and modern construction technology in accelerating socialized …

DOST RSTW 2026 Ilocos

Building a Matatag and Maginhawa Future Through STI at Ilocos Region’s RSTW 2026

The Department of Science and Technology (DOST) officially opened the 2026 Regional Science, Technology, and …