BONGGA ang patutsada ni Lea Salonga sa media regarding politicians na magarbo ang pananamit sa nakaraang SONA.
“Why all the fuss about the SONA red carpet fashions? Shouldn’t our attention be on the SONA itself and only that? #JustSaying,” tweet niya.
Oo nga naman. Bakit ba ginagawa nilang parang fashion show ang coverage sa mga dumalo sa SONA? Bakit ba binibigyan nila ng importansiya ang mga damit ng mga dumalo, eh, ang iba ay wala namang fashion sense at nagmukhang tanga sa mga suot nila?
Mayroon ngang feeling ay napakaganda niya at mukhang hindi nanalamin. Ang iba naman, kontodo accessory pa pero nagmukha namang dugyot.
It was an event of who’s who, who’s wearing who, as if naman magmumukha silang tao kapag nabihisan sila ng mga kilalang fashion designer.
Taon-taon na lang ay ganito palagi ang scenario, patalbugan, pabonggahan. Nakakasuka na silang tingnan sa TV!!!
UNCUT – Alex Brosas