PINAGYAYAMAN ng fire chi ang north-eastern chi at makatutulong sa iyong paghahanap ng future trends.
Upang maparami ang chi na ito, gumamit ng matingkad na kulay ube at maliwanag na ilaw. Lalo pang mapatataas ang enerhiya sa pamamagitan ng mga halamang may matutulis na dahon.
Magbuo nang marami pang yang atmosphere na kung saan kumikilos nang mabilis ang chi sa pamamagitan ng paglalaan ng malalaking open spaces, sa pamamagitan ng matingkad na mga kulay at hard surfaces, upang ika’y maging alerto at aktibo.
Maaari mong mabatid ang iyong “best year or month” sa paghahanap ng mga oportunidad kung ang iyong year number ay nasa north-east.
Ang rocks and stones sa north-east ay magpapalakas sa quick soil chi na makatutulong sa iyong mabilis na pag-iisip.
ni Lady Choi