Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Cat-like creature sumakay sa rhino

080115 cat rhino

NAGING social media senation ang isang cat-like creature sa Africa makaraan maispatan habang nakasakay sa likod ng rhino at buffalo, ngunit sa puntong ito ay nakuhaan siya ng video.

Ang maliit na nilikha ay isang genet, spotted carnivore na nakuhaan ng video habang nakasakay sa likod ng endangered black rhino sa South’ Africa’s Hluhluwe-iMfolozi Park.

Binansagan ng Wildlife ACT, tumutulong sa pag-monitor sa endangered animals sa parks at iba pang lokasyon sa Africa, ang munting nilikha bilang si Genet Jackson nitong nakaraan taon makaraan ilang beses na makuhaan ng larawan habang nakaangkas sa malalaking hayop.

Ayon sa organisasyon, ang footage na inilabas nitong nakaraang linggo ay pinaniniwalaang kauna-unahang ‘behavior’ na naidokumento sa video.

Pansamantalang hinayaan ng black rhino ang genet sa kanyang likod hanggang sa biglang tumakbo na tila pilit na inilalaglag ang munting nilikha.

Habang palayo sa camera, makikita ang genet habang nagsusumikap na kumapit sa likod ng rhino.

“This grumpy rhino certainly didn’t make things easy for our hitchhiking friend,” ayon sa organisasyon.

Bagama’t ang genet ay mukhang pusa, at ang ugali ay katulad din ng pusa, ito ay bahagi ng viverridae family, kaya siya ay maaaring malapit na kamag-anak ng civets at linsangs.

Gayonman, hindi malinaw kung ano ang layunin ng genet sa pagsakay sa malalaking hayop.

“We have learnt through the years never to assume that we know exactly what is going on in the bush,” ayon pa sa organisasyon. (THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …