Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai-Ai, Jose, Wally at Marian, maghahatid ng kasiyahan sa Sunday PinaSaya ng GMA

080115 sunday pinasaya

Level-up na ang GMA Network sa paghahatid ng kasiyahan dahil mapapanoood na nga-yong Agosto 9 ang Sunday PinaSaya, isang ba-gong programang maghahatid ng bagong kahulugan sa variety show tuwing Linggo.

Hatid ang iba’t ibang klaseng pakwela at patawa, pangungunahan ang programang ito ng Philippine Comedy Queen Ai-Ai delas Alas kasama ng kinagigiliwang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, gayon din ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ibinahagi ni Ai-Ai ang pagkasabik niya sa pagsisimula ng programa, “Sabi ko, parang, game na ba ‘to? Kailan na ba magsisimula?’ Tapos ayan na, game na talaga. Excited ako kasi this show is comedy based. Patatawanin muna namin kayo bago namin kayo mas lalong pasayahin sa hatid naming mga papremyo. At marami pa rin silang dapat abangan na mga bonggang performances mula sa kanilang mga paboritong artista.”

Samantala, nagpasilip naman ng ilang detal-ye si Marian tungkol sa mga bagong pakulo ng kanilang programa. “Patatawanin namin sila, magbibigay kami ng papremyo, at makikita nila ang iba’t ibang klaseng talento ng mga cast dito. At ang maganda sa Sunday PinaSaya, hindi lang kami ‘yung makakasama nila dito dahil every Sunday ay may mga Kapuso tayo na pwedeng mag-guest sa show. So everybody’s welcome sa Sunday PinaSaya.”

Sasamahan din sila nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro at Jerald Napoles sa mga pakulo at pakwelang hatid ng Sunday PinaSaya.

Isa sa mga sorpresang hatid ng Sunday PinaSaya ang pag-aanunsiyo ng mga grand winners sa Kapuso Milyonaryo. Higit 10 milyong halaga ng papremyo ang ipamimigay sa pilot episode ng programa.

Huwag palampasin ang much-awaited premiere ng Kapuso program na siguradong babago sa pangkaraniwang Sunday noontime habit ng bawat Filipino dahil Sundays are fun days sa Sunday PinaSaya!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …