Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Ikakasal sa ex-BF sa panaginip

00 PanaginipMagandang umaga po sa inyo SENYOR H at sa readers ng HATAW,

Gusto ko lng po sana itanong kung ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko npanaginipan ko po kse na ika2sal po ako sa ex-bf ko na almost 6years nman na po kaming hiwalay bakit po ganun ano po ibig sabihin nun pls pa.answer p pls dont publish my # thank you po

To Anonymous,

Kapag nanaginip na pakakasal ka sa ex mo, ito ay nagpapakita rin na tinanggap mo na ang mga aspeto ng inyong relasyon at natuto ka na sa mga nakalipas na pagkakamali na may kaugnayan dito. Alternatively, nagsasaad din ang bungang-tulog mo ng pagkakahawig sa kasalukuyang karelasyon (kung mayroon man), sa naging relasyon ninyo noon ng iyong ex o sa dating karelasyon. Gayunman, dahil alam mo na ang mga pagkakapareho o pagkakahawig na ito, ito ay nagsisilbing paalala rin sa iyo upang huwag nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa noon na nagbigay sa iyo ng labis na sakit at pighati. Ang panaginip mo ay maaaring nagbabadya rin ng paparating na kaligayahan na mararanasan tulad ng sa isang maayos at buong pamilya. Subalit depende rin ito kung tunay at busilak talaga ang damdamin ninyo para sa isa’t isa ng lalaking magiging asawa mo eventually. Posibleng ang isa pa sa dahilan ng panaginip mo ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang posibleng dahilan din kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya. Subalit, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger lang kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad nito. Ang panaginip mo ay maaaring nagsasaad din ng frustrations at disappointments sa iyong sarili o sa ilang mga sitwasyon na wala kang kontrol. Nagpapakita rin ito na mas nabibigyan ng diin ang repress at negatibong damdamin o nailalabas o naitutuon sa iba ang galit mo. Kailangang tignan at pagmalasakitan mo ang iyong sarili upang mas magkaroon ka ng kontrol sa iyong emosyon at mahanap mo ang tunay na kaligayahang nais mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …