MASAYA si Sylvia Sanchez sa pagkakabilang sa pinakabagong serye ng Dos, ang Ningning, na pinagbibidahan ni Jana Agoncillo.
Lola ang ginagampanang papel ng aktres pero wala naman daw problema ito.
Nang tanungin namin na kung sa tunay na buhay ay handa na siyang magkaapo? Mabilis niyang sagot, ”Hindi pa at huwag muna. Lagi kong sinasabi kay Arjo (Atayde) bata pa siya, huwag niyang sayangin ‘yung ganda ng career niya ngayon. Trabaho muna.”
Kasama si Arjo sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martinkaya naman ganoon na lamang ka-proud mom si Sylvia. Wala rin naman daw girlfriend ang anak ngayon. Ipinakikila naman daw nito kung mayroon.
DUN NA – Mildred Bacud