Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, tinalo sina Dawn at Kristine bilang Most Beautiful Star for 2015 (Ano nga ba ang criteria ng Yes Mag?)

073015 kris aquino dawn kristine

LAUGH kami nglaugh sa Most Beautiful Star for 2015 award ni Kris Aquino mula sa YES! Magazine.

Hindi namin lubos maisip kung paano siyang naging Most Beautiful Star. Saan? Kailan? Paano? Bakit?

Hiyang-hiya naman kami sa magazine. Talagang inisnab nila ang beauty nina  Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, at Kristine Hermosa. Kapag pinasama mo si Kris sa alinman sa tatlo ay magmumukha siyang ordinary lang, ‘no!

Hindi talaga namin lubos maisip kung paano tinalbugan ni Kris ang mga beauty ng tatlo.

Siyempre pa, overwhelmed si Kris sa kanyang bagong taguri.

”To @yes_magazine THANK YOU for putting me on the cover of #100MostBeautifulStars2015, HAPPY 15th ANNIVERSARY. You gave me a singular honor & I am eternally grateful, how I wish I could be partying w/ u- ano ba, SOBRANG NAKAKAKILIG to be called BEAUTIFUL at 44! But tonight’s my only brother’s night, and we’re w/ him for an intimate gathering of family & his closest friends & coworkers,” post  niya sa kanyang  Instagram  account.

“Alam kong once in a lifetime ang YES Most Beautiful covers na ‘to, and just how blessed I am, kung alam nyo lang how our photo sessions restored my self esteem, pero priority ko to be w/ my family. Sana wag kayong magtampo #YesTeam @pepalerts #FAMILYFirst #Bunso,” esplika niya  kasi hindi nga siya nakadalo sa awarding dahil sa SONA ng kanyang president-brother.

Mayroon namang nag-react and said, “What is the criteria of YES Mag in choosing The most beautiful star? Because if it’s face value, no doubt that Kris is not the standard of beautiful. It would be unfair to those celebrities who are truly, deeply beautiful.”

“How did she became the MOST BEAUTIFUL STAR???? Sana beautiful ka in a way na walang pinaretoke sa katawan,” mataray namang comment ng isa pa.

Aray ko!

Actually, wala namang kasalanan si Kris dahil ibinigay lang sa kanya ang award. Parang nawalan tuloy ng credibility ang magazine sa mga social media people.

Baka gusto lang nilang i-please si Kris dahil suki nila ito for cover. Pero talagang mahirap paniwalaan na most beautiful si Kris.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …