Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, idlip lang ang pahinga

052015 Maja Salvador

BILIB lang kami sa walang pahingang schedule ni Maja Salvador. Pakiramdam namin ay idlip ang estilo ng kanyang pahinga. Mula taping, out of town shows, at personal commitments ay halos wala kang makitang pagod factor sa kanyang mga mata everytime na nakakasama namin ito sa mga show out of town.

Naging very observant lang ako eversince makatrabaho ko si Maja sa Megasoft bilang publicist dahil ini-endorse nito ang Sisters Sanitary Napkin. Pagdating sa trabaho, wala kang maririnig na bulong o reklamo mula sa sikat na singer/actress, bagkus ay ine-enjoy pa nito ang mga tengga moment.

Since then ay naging fan na ako ni Maja hindi lang sa kanyang pagiging professional sa trabaho kundi ganoon din sa pagiging totoong tao. No wonder why buhos ang biyaya sa kanyang karera simula nang pasukin ang entertainment world. Ilan lamang ito sa laging ipinagpapasalamat ng aktres sa itaas kahit sabihin nating zero ang kanyang lovelife.

Napakaraming ibang bagay pa raw ang dapat niyang ipagpasalamat sa itaas at wala na siyang mahihiling pa kundi ang tuloy-tuloy na biyaya sa kanyang buhay.

Naikuwento rin ng aktres ang ilang masasayang bonding nila ni Rayver Cruz na matagal na panahon na nitong matalik na kaibigan.

Nagkaroon naman kami ng pagkakataong sabihin sa kanya ng pabiro na baka magka-developan silang dalawa.

Aniya, hinding-hindi mangyayari ‘yun dahil napakalaki ng respeto nila ni Rayver sa isa’t isa. It’s the friendship that counts ‘ika nga nila. But Maja exclaimed that she’s really happy now sa kanyang pribadong buhay with so much blessings from heaven kaya ine-enjoy niya nalang ang lahat. Love can wait and there’s a room for that! Bongga ‘diba?

Basta, abangan po ninyo kami ngayong August 15 sa Gensan, August 16 sa Laoag, at August 27 sa Dipolog with Maja’s Maja In Love The Nationwide Tour sa tulong ng Megasoft Hygienic Products’ Sisters Sanitary Napkin. Bongga talaga ang sisters!!!

REALITY BITES – Dominc Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …