Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bigkasan vs. rap battle sa Makata

072815 makata

00 SHOWBIZ ms mMULING nagbabalik ang CineCilio Filmact Media Production, ang lumikha ng pelikulang Watawat at Musiko para mailahad ang pinakabago nilang pelikulang Makata (Poet) sa pakikipagtulungan ng NVCE Pictures International.

Ang Makata ay isang 90 minute independent films na isang educational advocacy at value oriented movie. Tamang-tama ito para sa MAHPE/Filipino/ Values or Social studies subjects ng mga estudyante.

Ani Dave Castillo, director ng Makata (Poet), ang pelikula ay ukol kay Lolo Kanor, isang 68 taong gulang na makata o mas kilala bilang Lakandiwa ng Tondo. Naging pipi ito noong 2011 dahil sa mild stroke, kaya ang kanyang apong si Kiko (Sam Concepcion), 21 taong gulang na lamang ang sumusuporta sa kanila sa pamamagitan ng pagtitinda ng street food dahil hiwalay na ang mga magulang nito na OFW. Sumali si Kiko sa Modernong Panitikan sa pamamagitan ng Fliprap Events-Sunugan rap-battle pagkatapos niyang magtinda at maibigay ang pangangailangan ng kanyang lolo Kanor.

Tulad ni Lolo Kanor, nailalabas ni Kiko ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng poetic rap at pagsali sa mga rap battle. Ang kanyang kaibigang si Jose (Angelo Ilagan), ang nagpapalakas ng loob sa kanya sa tuwing sumasali siya sa Sunugan rap battle. Si Jose naman ang tinaguriang Prinsipe ng Bigkasan na nakahihingi ng tulong kay Kiko sa pamamagitan ng paghiram ng mga tula ni Lolo Kanor. At dahil pareho ng interes sina Jose at Lolo Kanor tila nagkaroon ng inggit si Kiko. Hindi naman maipaliwanag ni Lolo Kanor kung bakit mas nagkakasundo sila ni Jose sa kanilang mga hilig dahil sa kanyang kalagayan. Hanggang sa may isang trahedyang dumating sa kanilang buhay at dito malalaman kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang Makata.

Ani Direk Dave, nais nilang matulungan angmga kabataan na hindi lang history (pinag-aaralan) kundi naalala nila ‘yung mga heroe natin. Hindi rin daw mahirap ibenta ang mga ganitong klase ng pelikula lalo’t mga estudyante ang target nila. Hindi rin sila gumagawa ng pelikula para magka-award.

“We don’t need awards, all we need is profit how?, giit ni direk Dave, kaya naman hindi siya nahirapang kumbinsihin ang producer nitong si Nelson Acuna ng Darwin NT, isang Australian based Filipino Entrerpreneur para suportahan ang pelikula.

Nagpapakita na nga naman ng kahalagahan ng pagmamahal sa lupang sinilangan at sa pamilya, nakatutulong pa sila para mas madaling maintindihan ng mga estudyante ang mga babasahing nasa libro.

Tampok din dito sina Claire Ruiz, Dianne Medina, at Rex Cortez kasama sina Rosanna Roces, Julio Diaz, Lance Raymundo, Lou Veloso, Anna Marin, Dennis Coronel, Mike Kosa, Mike Swift Rightous One, Ben Isaac, Kirst Viray, MC Doughboy, Matt Dimen, at Mark Tyler Dela Cruz.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …