KALAGITNAAN ng taping ng isang TV show nang pansamantalang mabalam ito. Napansin kasi ng program host ang commotion na nanggagaling mula sa studio audience.
Nakadi-distract nga naman ang ingay mula sa apat na audience while ongoing ang taping, kaya mismong ang host na ang nag-cut sabay dayalog ng, ”What’s happening there?”
Nang tumahimik, sumenyas na ang floor director na ituloy ang taping but the miffed host insisted, ”No, I want to find out what’s happening there!”
Napatingin siyempre ang ibang studio audience sa kinaroroonan ng apat, pero hindi pa rin nagpaawat ang host, ”Oh, my goodness, next time choose your audience!”
Walang nagawa ang floor director kundi paalisin sa studio ang dahilan ng pag-aalboroto ng TV host na itago na lang natin sa alyas na Darlene Dominguez.
ni Ronnie Carrasco III