Monday , December 23 2024

Last SONA ni PNoy

00 Kalampag percyISANG taon na lang ay bababa na sa puwesto si PNoy.

Ihahayag ngayon ni PNoy ang kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA).

Tulad nang dati, inaasahang ipagmamalaki na naman niya sa kanyag mga “Boss” ang accomplishments ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon.

Pero huwag na siyang umasa na marami pa rin ang bibilib sa kanya dahil ‘yun na lamang mahigit isang milyong pasahero ng MRT at LRT araw-araw ay tiyak na bubula ang bibig sa galit kapag narinig pa lang ang pangalan ni PNoy.

Maniniwala ka pa ba sa mga boladas ni PNoy na tayo ang kanyang “Boss” kung namumuhay tayong malabusabos habang siya, mga opisyal ng gobyerno, politiko at mga kaalyado’t kamag-anak nila ay namumuhay sa karangyaan?

Nilunok ng kanyang mga “Boss” ang 80% na pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT pero mas lalong pumalpak ang serbisyo at lalong nagdusa ang mga pasahero. 

Inihayag ni PNoy noong 2013 na magpapasagasa sila ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kapag hindi natupad ang mga ipinangako nilang pagpapaganda sa mass transport system sa 2015.

Limang buwan na lang, Mr. President, hindi na kailangan magpasagasa sa tren dahil tig-isang kurot na lang ng bawat pasahero ng MRT at LRT ay tiyak magkakalasog-lasog kayong dalawa ni Abaya.

Tagumpay sa Pope visit, nasapawan ng Mamasapano

MAGANDA na sana ang pagsisimula ng 2015 dahil walang naganap na aberya habang nasa bansa si Pope Francis ngunit limang araw pa lang ang lumipas ay nayanig ang administrasyon sa isang maling desisyon ni PNoy.

Kahit suspendido si Director General Alan Purisima bilang dating PNP chief ay pinayagan ni PNoy na magpatakbo ng operasyon laban sa teroristang si Marwan kaya’t 44 SAF commandos ang nagbuwis ng buhay sa Mamasapano.

Palpak na K-12

NGAYONG Hunyo  naman ay pilit na ipinatupad ni PNoy ang K to 12 program na dagdag na dalawang taong gastos at pahirap sa mga magulang at mag-aaral kahit walang umento sa sahod ng mga manggagawa at walang sapat na paghahanda ang DepEd.

Aba’y kahit ang orthopaedic hospital ay hindi kayang gamutin ang mga bali-baling English sa mga materyales na ipinapagamit sa mga guro ni Education Secretary Armin Luistro.

Anti-corruption sa “tuwid na daan”

PERO kung may mga negatibong epekto ang “tuwid na daan’ ni PNoy, may dapat din tayong ipagbunyi gaya nang pagkakulong sa apat na malalaking isda.

Sa administrasyon lang ni PNoy nagamit ang kamay na bakal pagdating sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at una niyang sinampolan si GMA.

Kahit kinatigan ang Palasyo sa pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona, nakulong pa rin sina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla bunsod ng P10-B pork barrel scam.

Muntik nang makalaya si Maj. Gen. Carlos Garcia dahil sa pilipit na plea bargain deal sa Sandiganbayan kung hindi ipinursige si PNoy na panagutin sa panghahasa sa kaban ng AFP.

Inaabangan na rin ng lahat kung kaya rin ng “kamay na bakal” ni PNoy na pagbayarin ang mga Binay sa kasong pandarambong ng bilyon-bilyong pisong pera ng bayan.

Kapag nakalusot si Binay bago bumaba si PNoy sa 2016, ibig sabhin, ipokrito ang “tuwid na daan” at pinipili lang kung kanino ipatutupad ang batas.

Noong 2013 SONA, tumatak ang linyang ‘saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha’ na ang pinatungkulan ni PNoy ay mga taga- Bureau of Customs.

Hanggang ngayon ay isyu pa rin kung paano illegal na nakapasok sa bansa ang mga basura mula sa Canada at walang napanagot na opisyal ng Adwana.

Nakaladkad ang Palasyo sa isyu ng daan-daang milyong pisong suhulan sa Immigration ng Chinese crime lord na si Wang Bo.

Hanggang ngayon, walang opisyal ng Immigration ang sinibak kahit iniimbestigahan ng Kongreso ang usapin.

Kung mababaon lang ito sa limot, baka maniwala na ang lahat na talagang ginagamit ang kawanihan para mangalap ng pondo para Liberal Party sa 2016 elections.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *