ANG malas naman ni Max Collins with her “death threat story,” mas pinaniniwalaan kasing isang plain and simple publicity stunt ito more than real-life.
Bagamat itinanggi na ng dating driver na ito ang nagbabanta sa buhay ng TV starlet, nakapagtatakang maraming loopholes sa mismong kuwento ng aktres.
Kesyo ang hinihinalang pinag-ugatan daw ng bantang ‘yon ay dahil sa alitan ng kanyang umano’y mataray na ina at ng driver, yet Max hardly knew kung ano ang talagang pinag-awayan ng mga ito.
Ows? Imposible naman yatang hindi alam ni Max kung ano ang pinagmulan ng komprontrasyon between the amo and the namamasukan to think na sino ba ang pinagmamaneho ng driver na ‘yon, hindi ba’t si Max?
Tuloy, sa halip na maawa ang marami kay Max, the public sympathy is directed towards the driver lalo’t ipina-blotter nito sa pulisya ang eksaktong nangyari sa kanila ng ina ni Max, who mouthed words against the poor driver.
At ang isa pang nakatatawa, may death threat pala si Max, pero bakit nakukuha pa niyang magtrabaho? Hindi ba’t ‘pag ganoong may banta sa buhay mo, you become paranoid about the world na ultimong tagahanga na lalapit sa iyo ay puwede mong pagsuspetsahan as the one threatening your life?
More convincing acting pa, ineng!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III