“GUSTO naming bigyan ng importansiya ang karinderya ng Pilipinas dahil doon nagsisimula ang masasarap na pagkain,” ito ang iginiit ni Ms. Linda Legaspi, ng Marylindbert International Inc., at organizer ng Carinderia Queen 2015 nang makausap namin ito sa Atrium Hotel, Pasay.
Ani Ms. Linda, more than a beauty contest ang kanilang Carinderia Queen dahil hindi nga naman basta-basta lang ang mga sumasali rito at nananalo. Ipinakilala ni Ms. Linda noong hapong iyon kasama si Mama Renee Salud, project director ng beauty pageant, ang mga nagwaging Carinderia Queen na pawang mga Magna Cum Laude, Cum Laude, may-ari ng ilang karinderya, etc.. In other word, hindi basta-basta.
“Were coming up activities para sa kanila na makatutulong para mas lalong mapaganda at mapatagumpayan ang kanilang business. Mayroon kaming ginagawa on hygiene and sanitation, invited some people from UP to do some math to compute for financial planning, puhunan business part of it. Kaya sabi namin buhay karinderia talaga ito. Parang buhay artista,” paliwanag pa ni Ms. Linda.
Ang Carinderia Beauty ay advocacy na ni Ms. Linda , “a pageant that goes beyond beauty,” ika nga niya.
“The Buhay Carinderia Search for Carinderia Queen 2015 isn’t only a quest for an attractive woman but for someone who has wit, charm and is hard-working. The Carinderia Queen is a person who loves her family and will do anything for them,” sambit pa ni Ms. Linda.
“We are looking for a lady who is beautiful, kind and truly representative of the industry,” giit naman ni Mama Renee.
“The winners and contestants have one thing in common-they are all worthy representatives of the carinderia industry. Unlike other beauty searches, this is a contest that treats every woman equally. You can be married or single and young old. The only requirement is that you should be working in a carinderia as the woner, cook, cashier or food server or involved in it as a beneficiary or relative,” dagdag pa ni Ms. Linda
“A good story is very important,” ani Mama Renee.
Inumpisahan na ni Mama Renee ang maghanap sa iba’t ibat panig ng ‘Pinas ng mga carinderia beauty na siyang bubuo sa 40 contenders na sasailalim sa kanyang pagsasanay para sa pageant day sa Disyembre 8 sa World Trade Center, Pasay City.
Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang kanilang Facebook page www.facebook.com/BuhayCarinderia o tawagan ang Marylindbert International sa 8991943 to 44.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio