Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack Perez, may show sa Batangas City sa July 25

072215 Mojack chito Miranda

00 Alam mo na NonieKALIWA’T KANAN na naman ang mga show ni Mojack Perez ngayon. Last July 17 ay nakasama ni Mojack ang Siakol at Parokya Ni Edgar sa South Cotabato Gym. Si Gloc 9 naman ay nakasama niya sa General Santos City noong July 19.

“Sobrang happy po ako na nakakasama ko na ang mga ini-idolo ko sa industriya ng musika. Hindi lang sila magagaling, mababait pa sila at walang ere,” saad ng talented na singer/comedian.

Sa July 25 naman, Saturday, nasa Batangas City si Mojack kasama ang cast ng Brigada News FM. “Yes po may show ako sa July 25, sa Batangas City kasama ang cast ng Brigada News FM. As of now, wala pa pong confirm kung sinong artists ang makakasama ko rito, kasi magzu-zumba lang po sila before ako mag-perform. Pero ba-lak po nilang kunin si Joshua Zamora. “Malaking pasasalamat po kay Gov. Vilma Santos at sa mga Batangueños, dahil inilagay nila kami sa number one radio station sa buong Batangas,” masayang saadni Mojack.

Tinatapos na ni Mojack ang album niyang Ikembot Mo in collaboration sa rapper/composer na si Blanktape. Nagbalik din si Mojack sa dati niyang ginagawa, ang mag-compose ng jingles para sa mga politician.

Napapakinggan din si Mojack sa Brigada News FM 104.7 every Sunday, from 4 to 7 pm sa programang Magpa-MP, kasama ang impersonator na si Manny Paksiw.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …