A pageant that goes beyond beauty.
Ito ang advocacy ng search for Carinderia Queen 2015 na pinangungunahan ng organizer na si Linda Legaspi, katuwang ang program director at kaibigang si Rene Salud.
Nasa ikaapat na taon na pala ang nasabing search at sa taong ito ay balak na nilang ipalabas sa isang network bilang reality show.
Kaya naman kamakailan ay ini-launch na ito sa Atrium Hotel. Lilibutin ni Mama Rene ang bawat sulok ng Pilipinas para humanap ng mga contestant, “We are looking for a lady who is beautiful, kind and truly representatives of the industry.”
Kaya naman daw sinusuportahan ni Mama Rene ang proyektong ito ay naniniwala siya sa adbokasiya ng nasabing pageant na pag-angat sa level ng mga carinderia sa Pilipinas.
YUN NA – Mildred Bacud