Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valerie, idedemanda raw ng asawa ni Comm. Mison

TINAWANAN lang ni Valerie Concepcion ang laman ng email letter na natanggap namin mula sa isang [email protected]. na nananawagang huwag siyang husgahan at unawain ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Ang tinutukoy ng [email protected] email ay ukol umano sa pakikipagrelasyon niya kay Commissioner Siegfred Mison gayundin ang pagdedemanda sa kanya ng isang Ma. Cecilio Mison.

Ani Valerie sa pamamagitan ng kanyang publicist na si Vinia Vivar, “hahaha hindi po ako ang nag-email niyan.”

Ipinakita rin namin ang email sa ilang mga nakakakilala sa aktres at sinabi nilang hindi ganoon magsalita si Valerie.  Taglish kasi ito kapag kausap at hindi nga masyadong marunong ng mga malalalim na Tagalog.

Ukol naman sa ibang usapin ukol sa pakikipagrelasyon at demanda, habang tinitipa namin ang column na ito’y wala pa kaming natatanggap na kasagutan muli mula kay Valerie.

Samantala, narito ang kabuuan ng email na natanggap namin mula sa isang [email protected]

Nakikiusap po ako sa media – Valerie

Ako po ay nananawagan at nakikiusap sa media lalu na sa showbiz media na huwag po agad ninyo akong husgahan at sana ay unawain ang kontrobersiyang aking kinasasangkutan.

Gusto ko po talaga sanang manahimik na lang pero kailangan ko pong magsalita para linawin ang mga bagay bagay para hindi na po madamay ang ilang tao na wala namang kinalaman sa aking problema. 

Alam ko pong marami ang masasaktan pero gusto kong linawin ang isyung ibinabato sa akin tungkol sa relasyon ko kay Commissioner Siegfred Mison.  Wala po akong dapat aminin, maliban sa malapit kaming magkaibigan ni Fred.

Fred is just a friend, nothing more, nothing less. Meron po bang masama sa pagkakaibigan?

Nakikiusap rin ako sa kay Mrs. Ma. Cecilia  Mison na huwag na po ninyo akong takutin na ako’y idedemanda ninyo dahil malinis po ang aking konsensiya.  Wala po akong kasalanan at walang nilalabag na batas.

Hindi po ako kabit  at hindi ako kaladkaring babae.  Mapapatunayan po yan ng mga friends ko sa showbiz.

Sana po naliwanagan ang lahat sa isyung ito.

Lubos na gumagalang,

(Lgd)  MS. VALERIE CONCEPCION

July 15, 2015

Maricris Valdez-Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …