Ang panaginip ukol sa patay ay maaaring babala na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo sa mga maling grupo ng indibidwal. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresobla ang mga nararamdaman sa mga namayapa na. Alternatively, ang ganitong uri ng panaginip ay sumisimbolo sa material loss. Kung ang napanaginipan mong tao ay matagal nang namayapa, ito ay nagsasaad na ang kasalukuyang situation o relationship sa iyong buhay ay may pagkakahawig sa napanaginipan mong namayapa na. Maaaring may kaugnayan ang iyong napanaginipan, kung paano mo iha-handle o hahawakan ang isang relasyon o kung paano mo hahayaang mamatay o magtapos na ito. Posible rin namang ang ganitong panaginip ay nagre-represent ng iyong takot na muling mawala ang mahal sa buhay, o kaya naman, isang paraan upang matanggap ang trahedyang ito o mga trahedyang nararanasan sa buhay. Ito ay maaaring paraan din upang magsilbing huling pagkakataon upang makapagpa-alam sa mga mahal sa buhay na namayapa na.
Ang pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing, at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.
Señor H.