Wednesday , November 20 2024

EL Nido PCG overacting

el nido pcgMAYROON ba talagang kakayahan ang Philippine Coast Guards na nakatalaga sa El Nido, Palawan sa tungkulin nilang mangalaga sa kaligtasan ng mamamayan at mga turista habang inaalala ang epekto nito sa turismo?!

Itinatanong po natin itro dahil sa naobserbahan ng ilang kaanak natin nang sila ay magtungo sa El Nido nitong nakaraang weekend.

Nakaalarma nga ang buong bansa sa mga sama ng panahon dahil bukod sa bagyong Egay na nasa Philippine Area of Responsibilities (PAR) na ay mayroon bang tatlong sama ng panahon sa Pacific Ocean.

Pero maraming turista, lokal at dayuhan ang nairita sa ginawang overacting na pag-aalala ng mga taga-PCG.

Nitong nakaraang Sabado, maraming naka-schedule para sa island hopping sa El Nido pero kinansela ng mga nakatalagang PCG doon.

Nagtaka ang mga turista at maging mga bangkero kung bakit?

Wala naman kasing ulan at maganda ang sikat ng araw, kaya nagtataka sila kung bakit kailangan ikansela ang island hopping.

Muntik na ngang maumay ‘yung kaanak natin sa kapa-fu – – – – – shit ng mga puti.

Kasi nga naman, hindi sila magtatagal doon lalo na ‘yung local tourists, weekend getaway nga lang through island hopping, napalpak pa?!

Okey naman na magsigurado ang PCG para sa kaligtasan ng mga island hoppers pero pwede bang huwag naman overacting?!

‘E mismong mga bangkero ang nagsasabi na maganda ang panahon.

E bakit ‘yung MB Nirvana na halos 200 pala ang pasahero at mayroon pang mga sako ng semento at bigas, pinayagan lumayag?  Dahil may gay-la?!

Simple lang ang sinasabi natin, ayusin ang kredebilidad para hindi nagdududa ang sambayanan…

By the way, isama ninyo sa kakasuhan ng multiple murder ‘yung kagawad ng PCG na nag-inspeksiyon at nagpaalis sa MB Nirvana para pumalaot!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *