Wednesday , November 20 2024

Feng Shui: Banyo ipuwesto sa tamang lugar

060915 restroom CR

00 fengshuiSA pagtatayo ng bagong bahay ay magbubukas naman ang mga pintuan para sa maraming mga posibilidad. Maaari kang makipagtulungan sa arkitekto – at sa Feng Shui consultant – sa pagbubuo ng bagong bahay na naka-align sa iyong mga mithiin at iyong personal chi.

Sa Feng Shui terms, ang lugar ng banyo ay major consideration sa pagbubuo ng bagong gusali, dahil maka-aapekto ang banyo sa ating pananalapi, kalusugan at sa ating kompyansa.

Dahil ang banyo ay critical aspect sa Feng Shui, mas madaling pag-usapan kung saan dapat huwag ilagay ang banyo. Sa maraming kaso, maaari mong kontrahin ang pagdaloy ng chi (at enerhiya at good fortune) patungo sa bathroom drains sa pamamagitan ng paglalagay ng full-length mirror sa labas ng bathroom door, ngunit mas mainam pa rin na huwag ilalagay ang banyo sa sumusunod na mga lokasyon:

*Huwag ilalagay ang banyo sa tabi ng home’s central line, sa three center trigram ng Ba Gua, at lalo nang hindi dapat sa central palace.

*Hindi dapat nakaharap ang banyo sa kusina, dahil ang kusina (at lalo na ang kalan) ang kumakatawan sa iyong yaman, pagkilala, career at kung paano ka tinitingnan ng iba, gayondin ang kalusugan at enerhiya ng ating katawan ay mula sa pagkain na ating kinakain. Ang banyo na nakaharap sa kusina ang tutulak sa yaman patungo sa pagka-flush palayo. Sa ilang kabahayan, bunsod ng plumbing considerations, ang banyo ay inilalagay sa tabi ng kusina sa pagitan ng dingding. Ito ay praktikal at hindi magastos, at hindi rin bad Feng Shui.

*Ang banyo ay hindi dapat nakaharap sa bedrooms, dahil ito ay maka-aapekto sa kalusugan at pagkatao ng mga residente. Gayundin, ang banyo ay hindi dapat direktang nasa itaas ng bedroom.

*Huwag maglalagay ng banyo sa dulo ng mahabang corridor, dahil ang rumaragasang chi pababa sa hallway ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ng mga residente, lalo na sa kanilang digestive and reproductive health.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *