MULI na namang namayagpag ang ilang kilabot na berdugong kolektong sa Divisoria vendors.
Take note Yorme Erap para sa mahirap!
Sandamakamak na mga text/reklamo ang ating natanggap mula sa mga pobreng vendors sa dalawang tarantadong berdugong mangongotong na sina alias ZALDY at BOYONG na perhuwisyong tunay sa riles mula Asuncion hanggang Dagupan.
Ang dalawang kamote lang raw ang pwedeng kumubra ng TARA y TANGGA na inihahatag naman nila kina alyas NERISA at IMELDA sa Recto riles.
Ang berdugo-kotong tandem nina ZALDY at BOYONG ang panakot nina IMELDA at NERISA para hindi makapag-PASS ang mga vendor sa regular na tarya.
Dahil kapag walang hatag ‘e bugbog at eskoba ng paninda ang aabutin ng pobreng vendor sa da-lawang demonyo.
Sonabagan!
Hindi tayo naniniwala na walang tongpats na pulis sa mga walanghiyang ‘yan para magkalakas ng loob sila na gawin ang kahayupan laban sa mga vendor.
MPD PS-11 commander SUPT. ROMY MACAPAZ sir, hahayaan mo na lang ba na may namamayagpag na ‘tirador’ sa teritoryo mo?!
Para MALINIS naman ang MPD at hindi lumabas na PROTEKTOR ng mga KOLEKTONG at BARBARIKONG GRUPO sa DIVI!