SIR JERRY, ako po ang asawa ng nagpadala sa inyo ng email regarding PLDT annoying reminders, labis-labis po akong nagpapasalamat sa inyo Sir, dahil kaninang umaga June 3, on or about 9 am tumawag po ang customer service nila sa amin upang ipaalam na aalisin na nila ang annoying reminders na natupad po naman. Humingi rin po sila ng dispensa sa nangyari.
Ngayon gabi ko lang po nakita sa FB ang column ninyo na nakalagay ang email ng misis ko, kaya naisip ko na nakita na ng PLDT management iyon kaninang umaga kaya gumawa na sila ng paraan para alisin ang reminders nila.
Sir tinatanaw ko po na isang malaking utang na loob ang ginawa ninyong pagtulong sa aming mga nasa huling yugto ng aming buhay sa mundong ibabaw na ito.
Matagal na po akong naka-subscribe sa Hataw FB ninyo kaya doon ko nakita ang inyong tapang at tatag sa pagharap sa mga ‘di gumagawa ng tama sa ating lipunan at gobyerno.
Dalangin ko rin po na sana makamit ninyo ang hustisya sa pag-arestong ginawa sa inyo sa airport ng mga pulis na nasagasaan ng inyong pahayagan sa mga mali nilang gawain.
Muli, Sir Jerry maraming maraming salamat po!
Gumagalang,
Lito Velarde
Maraming salamat din po sa inyong suporta at pagtitiwala.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com