Anak ni Inday at orihinal na Panday dating sinusuyo ngayon inuupakan na ni Toby Tiongke ‘este Tiangco
Jerry Yap
June 5, 2015
Bulabugin
SABLAY si United Nationalist Alliance (UNA) spokesperson topak este Toby Tiangco nang upakan niya si Senator Grace Poe matapos lagdaan ang plunder report laban sa mag-amang VP Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay.
Noong una kasi, pinakasusuyo o nililiyag ng UNA ang Senadora para tumiket sa kanilang presidential contender na si VP Jojo.
At sa mga pahayag ng UNA, parang tiyak na tiyak na sila ang pipiliin ni Senator Grace komo sinasabi nilang sila ang sumuporta sa kanyang kinagisnang ama na si Fernando Poe Jr., noong 2010 presidential election.
Sa ganitong pag-asam, nagpahayag naman si SILG Mar Roxas sa 106th Philippine Dental Association convention sa SMX Convention, Pasay City, nang ganito: “Well, magalang naman akong tao, at kung nagpapakilala naman ako ang sinasabi ko ‘si Mar po.’”
Ang pahayag na ito ni Sec. Mar ay pinik-ap ng ilan na nangangahulugang may lihim na kasunduan ang administrasyon kay Sen. Grace.
Lalo na nang lumagda ang Senadora sa Senate Blue Ribbon Subcommittee plunder report. Umusok nang husto ang tumbong ni spokesperson topak este Toby kaya hayun inupakan si Senadora Grace.
Una, ang kanyang citizenship at nitong huli, ang kanyang residency sa bansa.
Sa isang banda, mukhang wala namang balak na totohanin ng UNA ang kanilang pagkuwestiyon sa pagkamamamayan at panahon ng paninirahan ni Senadora Grace dahil ibinunyag nila agad.
‘Yun bang tipong, “kapag hindi ka sa amin sumama, ibubunyag namin ito at kukuwestiyonin ang kandidatura mo.”
Parang gusto lang takutin. ‘E kaso ‘wrong timing.’
Nagsalita si topak este Toby sa panahon na selling like hot potato si Madam Sen. Grace.
At bukod d’yan hindi natantiya ni spokesperson topak este Toby na meron palang nakatagong ‘yagbols’ ang Sendaora kaya kinasahan sila.
Ang sabi ni Sen. Grace, “‘Di bale nang makuwestiyon ang aking pagkamamamayan at paninirahan, huwag lang maakusahan na ‘mandarambong’ sa pondo ng bayan.”
Aruykopo! Ang sakit-sakit no’n.
Kumbaga, no way, hi-way, na ilampaso mo ako sa ganyang isyu, dahil mas nakahihiya ang kasong kinakaharap ng contender ninyo.
‘Yun ‘yon ‘e.
Masyadong inismol nitong si topak este Toby si Senator Grace…
Tsk tsk tsk…
Ampon nga, ‘e lumaki naman kay Inday saka sa orihinal na Panday…
Ay sus!
Huwag ninyong hamunin ang minsang itsinismis na anak ni Apo at baka magulat kayo kung ano pa ang kayang ikasa ng anak ni Inday at ni Panday!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com