Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Hinabol ng multo

 

00 PanaginipHello sir Señor H,

Ngtxt ako dhil nngnip ako about sa multo, may lumabas dw na multo tas ay tumakbo ako takbo dw ako nang takbo. Anu kya ang pnhihiwatig ni2, tnx po sir wait ko ito sa Hataw, twgin nio n lng akung Boyastig ng Paco, Manila.

To Boyastig,

Ang panaginip hinggil sa multo ay sumisimbolo sa aspeto ng iyong sarili na kinatatakutan mo. Maaaring may kaugnayan ito sa painful memory, guilt, o ilang repressed thoughts. O kaya naman, ikaw ay natatakot sa patay o kamatayan. Alternatively, ang multo ay nagre-represent ng isang bagay na hindi na maaaaring makamit o within reach. Ito ay nagsasaad din na ikaw ay nakadarama na disconnected ka sa buhay at lipunan. Posible rin naman na ito ay isang panawagan sa iyo para mag-move-on at iwanan na ang makalumang pamamaraan ng pag-iisip at pag-uugali. Kung multo ng kaibigan o kamag-anak naman ang nakikita mo sa iyong bungang-tulog, may kaugnayan ito sa guilt at pagsisisi ukol sa nakalipas na relasyon sa mga partikular na taong ito na namayapa na. Dapat na alisin mo sa iyong sistema ang mga negatibong damdamin at kaisipan, at palitan ito ng positibo.

Ang panaginip mo naman na takbo ka ng takbo ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Sa kaso mo, maaaring ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo. God bless you.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …