Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Napapanaginipan ang ex

 

00 PanaginipGud pm Señor H,

Vkit kaya madalas ko mapanaginipan yung ex ko? Medyo loveless ako now, may ka-date pero MU p lang, so d ko naman iniisip iyong ex ko, bakit kya ganun? TY po, wait ko iyo sa Hataw, dnt post my cp # Aquarius2015

To Aquarius2015,

Ang iyong panaginip ay posibleng may kaugnayan o babala na ang dating kabiguan at sakit na sinapit o naranasan sa piling ng ex mo ay maaaring mangyari ulit ngayon. Ang anumang natutunan sa iyong pakikipagrelasyon sa kanya ay dapat mong i-apply sa iyong karelasyon, sakaling mayroon na, upang hindi na maulit ang kabiguang naranasan dati. Dapat mong ma-satisfy ang iyong emotional needs at ang inner turmoil ay maresolba. Maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nagsilbing trigger kaya mo siya napanaginipan. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, regalong galing sa kanya, mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad na sitwasyon o halimbawa. Kung ganito ang sitwasyon, walang dapat ipag-alala dahil iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan. Posible rin namang may mga sitwasyon noon sa inyo ng ex mo ang gusto mong mangyari sa inyo ng karelasyon mo ngayon, kaya siya pumapasok sa isipan mo. Kumbaga, nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa iyong karelasyon ngayon, kaya siya lumalabas sa iyong bungang-tulog. Maaari rin na hindi ka masaya o satisfy sa iyong karelasyon, kaya pumapasok sa iyong subconscious ang dating karelasyon kahit hindi mo ito talaga gusto, at lumalabas nga siya sa iyong panaginip. Subalit kung wala naman ang mga elementong ito, at hindi mo na mahal ang ex mo, huwag mo nang isipin ang panaginip mong ito dahil maaaring ito ay nagkataon lamang bunsod ng ilang mga elemento o bagay na wala kang kontrol at wala naman talagang direktang significance sa iyo ang napanaginipan mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …