Tuesday , November 26 2024

Inaalyado ba tayo ng canada para gawing basurahan?

00 Bulabugin jerry yap jsyPINANINDIGAN na ng Palasyo, kinatigan pa ng Supreme Court.

Tinutukoy po natin dito ang hindi kukulangin sa 50 container vans ng waste materials. Sa Tagalog, basura mula sa Canada na dinala rito sa ating bansa.      

Kung hindi tayo nagkakamali, nagsampa ng kaso ang Bureau of Customs (noong panahon ni Commissioner John Sevilla), laban sa importer ng nasabing 50 container vans.

Ang reklamo ay paglabag sa Sections 3601 & 3602 of the Tariff and Customs at Republic Act 6969 (Toxic Substance and Hazardous Wastes and Nuclear Wastes Control Act of 1990 and Article 172 in relation to article 171 of the Revised Penal Code for Falsification) laban kina Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics, isang kompanya na nakabase sa Canumay, Valenzuela City;  isang Flores at isang Sherjun Saldon.

Batay sa RA 6969, labag sa batas ang importasyon ng hazardous materials papasok sa bansa habang ang TCCP naman ay criminally liable dahil sa ilegal na importasyon.

Malinaw na ang nasabing importasyon ay ilegal dahil mayroong paglabag sa proseso at misdeklarasyon sa dokumento.

Bukod pa na malaking banta iyan sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Idineklarang scrap plastic materials for recycling umano ang nasabing 50 container vans ng basura mula sa Canada.

Dumating ito sa Manila International Container Port (MICP) noong Hunyo – Agosto 2013 pero kinompiska ng Customs Police at mga operatiba ng Enforcement Group nang matuklasan sa spot inspection na ang laman ay “used mixed and unsorted” or “heterogeneous” plastic materials,” kabilang ang household garbage at used adult diapers.

Malinaw umano na hindi ‘homogeneous’ or recyclable plastic scrap materials gaya ng idineklara ng importer.

Nagkaroon din ng clamor na ipabalik ang nasabing mga basura sa Canada pero hindi ito sinang-ayunan ng Malacañang at ang masama pa, mukhang ibinasura ng Supreme Court ang reklamo ni Sevilla.

Nakatatakot ang ganitong kostumbre ng mga opisyal ng ating pamahalaan.

Parang hindi na nila alam kung ano ang tama at mali. Kaligtasan at kalusugan na ng mamamayan ang nanganganib dito pero mukhang, balewala lang sa gobyerno.        

Tsk tsk tsk… inuulit lang po natin ang tanong, inaalyado o kinakaibigan ba tayo ng mga bansang kaalyado ng Estados Unidos gaya ng Japan at Canada para gawin lang tayong basurahan?!

Masyado na yatang masakit sa dibdib ang ginagawang pambu-bully sa atin ng ibang bansa?!

Lagi na lang bang magsasawalang-kibo ang mga pinuno ng ating pamahalaan?!

Tagaytay City itinanghal na most child friendly city sa magkasunod na taon (Sa ilalim ng liderato ni Mayora Agnes D. Tolentino)

ANG Tagaytay City ngayon ay pinamumunuan ng kanilang kauna-unahang babaeng alkalde sa katauhan ni Mayora Agnes D. Tolentino, ang kabiyak ng puso ni  kasaluku-yang Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na nag-full-term din bilang alkalde sa nasabing lungsod bago ang kanyang misis.

Tagaytay City is making a milestone in their history.        

Sa magkasunod na dalawang taon, itinanghal ang lungsod bilang most child-friendly city kaya naman sa kanila iginawad ang Presidential Award for the Most Child Friendly City.            

Ang Tagaytay ay isa sa pamosong lugar na paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista dahil sa ganda ng tanawin, malamig na klima at itinuturing na isa sa pinakamalinis na bayan sa bansa.

Hindi na mabilang ang iba’t ibang award mula sa local and foreign awards and citation bodies dahil sa kanilang programs and promotion sa larangan ng edukasyon kalusugan at kapaligiran.

Bukod diyan, ipinatutupad din ang adbokasiya para sa proteksiyon, pangangalaga sa mga bata, edukasyon, health-nutrition at iba pang development programs kaya nagwagi sa child friendly (component city) category award.

Kung ganyan ka-komprehensibo ang programa ng isang lungsod para sa mga bata at kabataan, natitiyak natin na mabubuting mamamayan ang kanilang maipupundar para sa hinaharap.

Kay Mayor Agnes Tolentino at sa mga taga-Tagaytay, congratulations po!

Solvent Boys at holdaper sa tapat ng city hall

MAGANDANG umaga po sir Jerry Yap, pangalawang text  ko na po ito. Lumabas na po ‘yung unang text ko, pero parang bingi talaga ang admin istrasyon ni Erap. Hanggang ngayon po, nagkalat pa rin mismos a tapat ng city hall ng Maynila ang sandamakmak na solvent boys at holdaper. Wala talagang ginagawa ang mayor. Sana naman makaabot ito sa kaalaman ni Erap. Salamat po. Maeron din po pala sa Quirino LRT. Ang daming nk tambay n solvent boys tapos pag sabog na nang-aagaw ng celpon at bag. #+63921736 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *