Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-15 Labas)

00 ngalan pag-ibigBumubuhos pa ang malalaking patak ng ulan sa lupa. At habang nagtatagal ay patindi nang patindi ang lakas ng ulan at hangin.

Kitang-kita niya ang puwersa ng sigwa ng hanging nagpabuwal sa mga puno ng saging at niyog sa malawak na bukirin. At nang tamaan niyon ang kubo, parang papel na nilipad ang bubong nito at saka ibinagsak sa pagkalayo-layong distansiya.

Narinig ni Karlo ang malakas na pagtili ni Jasmin. Karipas siyang napatakbong pa-lapit sa kubo.

“Jas!” sigaw niya sa pagtawag sa pa-ngalan ng nobya.

“Karl, Diyuskupuuu!” ang iyak ni Jasmin.

Tulad niya, basambasa na rin si Jasmin. At para silang hinahampas-hampas ng ha-ngin.

Itinayo niya ang kasintahan na nangi-ngiligkig sa pagkakaupo sa isang sulok ng kubo na wala nang bubong.

“Hanap tayo ng masisilungan natin,” aniyang nakaagapay sa dalaga.

“Saan tayo sisilong?” naitanong nito, nangunyapit sa balikat niya.

“Tena du’n…” nagpatiuna siya sa pag-hakbang patungong kariton na panghakot ng gulay ni Mang Berto.

Padapang sumuot sina Karlo at Jasmin sa ilalim ng kariton.

“Paraanin muna natin ang pagsusungit ng panahon,” sabi ng binata sa dalaga.

Malalaki at masinsin ang mga patak ng ulan. Umuugong ang nagdaraan na hangin. Mahigit isang oras din nanalasa sa buong kapaligiran ang nagngangalit na kalikasan. Pagkaraa’y tumila ang ulan, tumigil ang pabugsu-bugsong hangin at bahagyang umaliwalas ang langit.

Noon lang napansin ni Karlo na lumusot na sa nabutas sa supot na plastik ang bigas at basa na rin sa loob ng bag ang mga damit na ipinadala sa kanya ni Mang Berto.

“Ano na ngayon ang balak mo?” usisa ni Jasmin.

“Itutuloy na natin ang pagluwas sa Maynila,” ang tugon ni Karlo.

“Basambasa ako… Magpapalit muna ako ng damit,” nasabi ng dalaga.

“Sige, Jas… Ako rin…”

Matapos makapagbihis, sinabihan ni Karlo si Jasmin na sa bus station na ang kanilang punta.

“Karl, pwede kayang magpaalam muna ako kina Inay at Itay…”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …