Ako po c Cloudy gus2 ko lng po isangguni ang panaginip ko, s twing pagod po ako galing trbaho, lagi po akng nanagnip ng malakas n ulan tpoz bgla n lang babaha ng malakas at malaki, at maitim ung 2big, ntakot po ako kng ano po ibigsbhn nun, slmat po (09353259644)
To Cloudy,
Ang panaginip mo ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ang ulan ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan. Maaari rin na ang kahulugan nito ay ang paglilinis o washing away ng difficult times. Kasama na rin dito ang pagtanggal sa iyong sarili ng old ideas, notions, opinions, at iba pang mga negatibong bagay. Ito’y nagsasabi rin ng ukol sa forgiveness at letting go.
Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom na damdamin ay may malaking epektpo sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Alamin kung saan o paano nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, nagpapakita rin ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening.
Ang maruming tubig ay nagpapakita na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace. Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.
Señor H.