Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen Garcia, may limit sa pagpagpa-sexy

010715 coleen garcia

00 Alam mo na NonieMAKIKIPAGSABAYAN ba si Coleen Garcia sa mga co-stars niyang sina Arci Muñoz at Ellen Adarna sa pagpapa-sexy? Magkakasama ang tatlo sa bagong TV series ng ABS CBN na pinamagatang Passion de Amor.

This early, bali-balita na sobrang daring at sexy ang mga eksena rito to the point na ayon sa panayam namin kay Bangs Garcia, tinanggihan daw niya ang role na ini-offer sa kanya sa naturang TV series dahil nga sa sobrang daring daw ang role na itotoka sa kanya.

Back to Coleen, ayon sa aktres, ang nakikita sa kanyang animo pagbabago ng image ay bahagi ng kanyang pag-grow bilang aktres. Sa ngayon daw ay twenty three years old na siya at ayaw na niya sa mga teenybopper na role.

“It’s time to grow, but at the same time may limitation naman. There’s a certain extent to sexy naman I’m willing to do.

“So I’m staying within my limitations, those boundaries. Pero it’s also time to grow up, parang I wanna be available to do different roles.

“Kapag minsan sobrang bata iyong ipino-portray na roles, parang you’re not really given the freedom to do other roles,” saad ng aktres/TV host.

Idinagdag ng aktres na handa naman daw siyang magpa-sexy sa forthcoming serye nilang ito kung talagang kakailanganin daw sa istorya. Basta naaayon lang daw sa itinakda niyang limitasyon para sa kanyang sarili.

Ipinahayag din ni Coleen na nagpapasalamat siya sa pagiging supportive sa kanyang career ng kasinta-hang si Billy Crawford.

“Proud naman ako sa kanya. And he’s also doing very well in his career right now, I’m very happy and proud of him.

“It’s really nice to have somebody who supports you in eve-rything you do,” pahayag ng isa sa hosts ng It’s Showtime.
ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …