Wednesday , November 20 2024

Lalaki ginahasa ng 3 babae para kunan ng sperm

051315 bugbog rap abused

DINUKOT ang isang lalaki saka ginahasa ng tatlong kababaihan na kumolekta ng kanyang sperm sa isang cool box bago inabandona ang biktima—isang pamamaraan na lumalaganp kamakailan sa South Africa.

Hiningan ng direksyon ang 33-anyos na lalaki ng tatlong babae na sakay ng itim na BMW. Bigla na lang tinutukan ng baril ang biktima ng isa sa mga babae saka pilit na isinakay sa kanilang sasakyan.

Dinala ang lalaki 500 kilometro ang layo kung saan siya dinukot sa Kwazakhele, Port Elizabeth at habang bumibiyahe ay nilalaro ang kanyang ari pero hindi gina-nahan ang biktima kaya nilasing siya ng mga babae ng hindi pa malamang inumin.

Kasunod nito’y ginahasa na ng tatlo ang lalaki saka kinolekta ang kanyang semilya sa mga plastic bag bago inilagay sa isang cooler. Matapos ito, inihulog na ang lalaki mula sa sasakyan at iniwan ng mga babae para itakas ang kanyang sperm.

Ang ganitong pamamaraan ay isinagawa ngayon ng mga kababaihan sa Gauteng, na sapilitan din pinapainom ang mga lalaki para nakawin ang kanilang semilya. Dangan nga lang ay wala pang ina-aresto sa mga insidenteng ito.

Ayon sa lokal na pulisya, hindi pa nila maipaliwanag kung bakit ginagawa ng mga babae ang panggagahaasa at pangongolekta ng sperm ngu-nit magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon.

“This is really confusing to us because we have never heard of such a thing before. The man was fully conscious throughout his ordeal and he is still traumatized,” pahayag ni Constable Mncedi Mbombo.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *