Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Lindol at baha sa panaginip

051115  baha flood landslide

00 PanaginipKamusta po Señor,

Sa panaginip ko ay naglalakad daw ako, then maya-maya ay lumindol tapos po ay nagbaha, anu kaya meaning po nito? Wait ko po i2 sa dyaryo nu, tnx so much senor, wag nio na lang popost cp ko – Aldwyn

To Aldwyn,

Kung ikaw ay naglalakad nang maayos sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, subalit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na.

Ang panaginip hinggil sa lindol ay maaaring may kaugnayan sa major “shake-up” na nagsasaad ng peligro sa iyong stability at foundation. Maaaring nagha-highlight din ito sa iyong insecurity, fears and sense of helplessness. Ayon din sa Bibliya, ang lindol sa panaginip ay simbolo ng galit at kapangyarihan ng Diyos.

Ang baha naman sa bungang-tulog mo ay posibleng nagre-represent ng pangangailangan upang mai-release ang ilang sexual desires. Kung ang baha ay nangangalit, ito ay may kaugnayan sa emotional issues at tensions. Mas nadadala o natatalo ka ng iyong repressed emotions kaya dapat na ikonsidera ang direksiyon ng baha para sa mga karagdagang clues kung saan o bakit ka nakararanas ng stress at tension. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin namang nagpapahayag na nao-overwhelm sa iyo ang ibang tao dahil sa pagiging demanding mo at bunsod ng iyong strong opinion. Isa pang interpretasyon dito ay ang paghahangad na mabura ang mga nakaraang hindi naging maganda upang ikaw ay makapagsimula ulit sa magandang paraan. Kung banayad naman ang baha, ito ay maaaring senyales na ang iyong mga agam-agam sa buhay ay matatangay na ng baha o matatapos na.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …