SA hanay ng mga senador ngayon, kapansin-pansin na si Senador Antonio Trillanes lV ang pinaka-busy sa lahat.
Bagama’t hindi siya isang abogado, napakasipag niyang maghalungkat at mag-imbestiga ng mga katiwalian sa mga transaksiyon sa gobyerno.
Oo, walang kinatatakutan si Trillanes kahit na ang kanyang nasasagasaan ay isang malaking pamilya ng politiko na maaaring humabol sa kanya at ibalik siya sa kulungan kapag nawala na siya sa kapangyarihan.
Isa ngang tunay na mandirigma si Trillanes, na nakilala nang pamunuan niya ang nasa 300 junior officers at enlisted men ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsakop sa Oakwood towers sa Makati City, bilang protesta sa talamak na katiwalian sa gobyernong Arroyo partikular sa AFP noong panahon niya sa military, na nakulong siya ng mahigit pitong taon.
Kahit sa loob ng kulungan, noong 2007 election ay kumandidato siyang senador at nanalo kahit walang budget bilang guest candidate na kontra sa gobyernong “Genuine Opposition.” Nakakuha siya ng mahigit 11 milyong boto.
Si Trillanes ang kauna-unahang naging senador na nanalo habang nakakulong.
At ngayon ay kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang pagbubunyag sa mga katiwalian ng mga may transaksiyon sa gobyerno, lalo ng mga politikong nagpapayaman nang todo-todo sa puwesto.
Bakit hindi subukan ni Trillanes na tumakbo sa higher position pagkatapos ng kanyang termino sa 2016? Puwedeng-puwede siyang mag-Vice President! Huwag lang siyang makipag-tandem sa presidentiable na nahaharap sa mga kaso ng katiwalian para hindi masira ang kanyang graftbuster image.
Kayo, mga suki, likes n’yo ba maging Vice President si Trillanes?
At si Manny Villar, gusto n’yo ba maging President?
Villar-Trillanes, ano sa tingin nyo? Txt txt txt…
Nawala ang tiwala kay Pacquiao
– Joey, nawala ang tiwala ko kay Manny Pacquiao. Alam na pala nya na may shoulder injury siya, bakit pa nya itinuloy ang laban? Ang sabi niya, ayaw daw niyang i-disappoint ang boxing fans kaya itinuloy niya ang laban. Kalokohan yan! Nakaligtaan siguro nya na mas lalong na-disapppoint nya ang maraming fans nang malamang may iniinda pala siyang injury bago lumaban. Tiyak pati political career nya tiyak apektado laluna pag nagbabalak siya maging senador. Tingin ko, tsupi o kasabwat ng mapia! – 09496984…
Naarestong tulak sa Bacolod,
pinakawalan agad, bakit?
– Sir Joey, kahapon (Wednesday, May 4) nang-raid dito sa amin sa Magsungay, Bacolod City. Ang “asset” ni Mulleta na si Ricky ang kasama. Nakaposas na si Jcampus, pinakawalan pa dahil bata nila. Palaging ganyan nalang. S/Supt. Samuel Nacion at OIC S/Supt Melchor Coronel bagong upo lang kayo. Napanood namin ang interview sa inyo. Kaya proof to us that you two we are looking for, lalo na dito sa Magsungay, Singcang. – Sr. Citizen
Droga at mga ilegal
na sugal sa Rizal
– Mr. Venancio, grabe na ang bentahan ng bawal na gammot (shabu) sa 15 barangays dito sa San Mateo, Rizal. Pati tupada, jueteng at iba pang mga iligal na sugal talamak na dito. Sana maaksiyunan naman ito ng PNP Chief at ni DILG Sec. Mar Roxas. – Concern citizen
Totoo ito, talamak na nga ang mga iligal sa Rizal. Lahat ng ito ay naka-timbre na sa hepe ng Rizal PNP pati sa Crame! Pati nga raw droga, timbrado na rin! Tsk tsk tsk
Gusto ng taga-CDO si Poe!
– Boss Joey, maayong buntag! taga-CDO po ako. Halos tanan kami sa Camaman-an, CDO solid kami kay (Grace) Poe para presidente. Malisod ang lider nga kawatan ug badng! – De Guzman, 09164554…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]
ni Joey Venancio