PUMALO sa second-place finish si Jockey Blake Shinn bunsod ng, ahem, kanyang pantalon kamakailan.
Bumagsak ang pantalon ng jockey sa final turn ng Race 1 sa Australia’s Canterbury racecourse, kaya nalantad ang kanyang puwet. Ngunit hindi hinayaan ni Shinn na siya ay magambala ng wardrobe malfunction, at itinuon ang atensyon na makarating sa finish line.
“I was more worried about winning the race. They (the pants) went just after the start and there was nothing I could do,” pahayag ni Shinn sa Sydney Morning Herald. “I think a lot of people are going to have a bit of fun with this, but they can’t say I wasn’t focused and went to the line.”
“We usually report gear malfunctions, but we are leaving that one alone,” dagdag ni acting chief steward Greg Rudolph.
Ngunit sa kabila ng nangyari, pumangalawa pa rin siya, at naunahan si Modesty, na naging pangatlo.
“I usually come here and stay focused in search of winners. People would’nt know I’m that cheecy,” pahayag ni Shinn kay Richard Haynes ng Sky Channel, makaraan ang karera, na ikinahagalpak ng tawa ng mga manonood.
Umani nang maraming reaksyon sa social media ang nasabing insidente. Maging si Shinn ay nagbiro sa insidente, inihalintulad ang nangyari sa naging karanasan ni Australian model Jennifer Hawkins na nahubaran sa mid-catwalk. (THE HUFFINGTON POST)