Friday , May 9 2025

Editorial: ‘Wag pabola kay Ping

EDITORIAL logo

HINDI dapat paniwalaan ang deklarasyon ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tatakbo siya bilang pangulo sa 2016 elections. Malinaw na isang propaganda lang ito ni Ping para pag-usapan, pero sa kalaunan, malamang na senador pa rin ang kanyang tatakbuhin.

Nagkukumahog na itong si Ping na hindi mawala sa limelight kaya sunod-sunod ang kanyang media text mesagges, press releases, at laging present sa mga media forum, press conferen-ces at TV and radio interviews.

Nakaaawa itong si Ping. Kung hindi kasi magtatagumpay ang kanyang election bid, tapos na ang kanyang political career. Matatawag na swan song ni Ping ang 2016 elections, at kailangang manalo siya kung tatakbo sa Senado.

Bakit naman kasi tatakbo si Ping bilang pangulo, e, kulelat nga siya sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations. Walang puwang si Ping na maging pangulo ng Pilipinas dahil tiyak ilalampaso siya ng mga taga Visayas sa ginawa niya sa Yolanda victims.

Kahit sa pagka-senador, hindi rin mananalo Ping. Malalim ang sugat ng mga taga Visayas sa ginawa niyang intriga sa Tacloban.

Sa galit nga ng mga Yolanda victims, idineklara si Ping na “persona non grata” ng People’s Surge dahil sa kanyang mga kapalpakan bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery. Tunay na taklesa si Ping. Sabi nga ng mga Waray… “Masamok ka. Uli na sa Etivac!”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *