Ask ko lang po kung an0 ang meaning ng panaginip ko na kumakanta ak0 sa classroom na nka-gown at may tumapat sa akin na spotlight… pagkatapos ay kinabitan ak0 ng sash at binigyan ng b0quet… then dumami ung nga tao at nagsipalakpakan. Thanks! (09095359149)
To 09095359149,
Kapag nanaginip na may kumakanta o kaya ay ikaw mismo ang kumakanta, ito ay may kaugnayan sa happiness, harmony, at joy sa ilang sitwasyon o pakikipagrelasyon. Ang iba ay naia-uplift mo sa iyong positibong ugali at cheerful disposition. Ang pagkanta ay isang paraan din ng pagdiriwang, pakikipag-communicate, pag-akap at pagpapahayag ng damdamin. Kapag naman nakarinig na may kumakanta sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad ng emotional at spiritual fulfillment. Ang iyong mood ay nagbabago at nagiging positibo dahil sa pag-angat ng iyong pananaw sa buhay.
Ang bulaklak sa panaginip ay may kaugnayan sa kindness, compassion, gentleness, pleasure, beauty, at gain. Ito rin ay simbolo ng perfection at spirituality. Ang ganitong bungang-tulog ay maaaring expression of love, joy at happiness. Alternatively, ang bulaklak ay maaari rin namang nagsasaad ng partikular na time o season. Kung ang bulaklak ay puti, maaaring ito ay sumasagisag sa kalungkutan. Kung ang natanggap ay bouquet of flowers, ito ay nagre-represent ng respect, approval, admiration, at rewards.
Nagpapakita rin ang panaginip mo ng positibong response o ng approval o pagsang-ayon ng ibang tao sa anumang ginagawa mo sa kasalukuyan.
Señor H.