Aries (April 18-May 13) Piliin ang sa iyong palagay ay ‘the best’ para sa iyo at huwag itong bibitiwan bagama’t sa simula’y parang hindi gaanong mahalaga.
Taurus (May 13-June 21) Ang pang-unawang ito ang magbibigay sa iyo ng lakas upang masumpungan ang iyong mga hinahanap
Gemini (June 21-July 20) Maluwag na nakabukas para sa iyo ang mga oportunidad na naghihintay lamang sa iyong pagkilos.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hakutin na ang iyong panalo at iwanan ang misa para maka-survive at muling maglaro sa susunod na araw.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kung ang mga oportunidad mang ito ay personal o business-related, dapat ka pa ring maging maaga sa pagdating.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Unahin muna ang health issues at kapag naisaayos na ito, maaari mo na ring harapin ang iba pang mga problema.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring tumalon ka sa malaking pagbabagong mangyayari o manatili sa ligtas na lugar at panoorin na lamang ang posibleng mangyayari.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi madali ang landas patungo sa karunungan, ngunit higit naman ang makakamit mong gantimpala.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ipagpatuloy ang pagbalanse sa trabaho at pamilya at tiyak na tutulungan ka ng mga planeta sa pagtamo ng iyong mga hangarin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kapag ito’y napunuan, nasa iyo na ang tungkulin kung paano ito imamantina at kung hindi ka kikilos ito’y unti-unting maglalaho.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang bakas ng nakalipas ay maaaring makatulong o makasama depende kung paano mo ito hahawakan.
Pisces (March 11-April 18) Ang pagkakaroon nang malawak na pang-unawa ay gantimpala na rin mismo, at ang karunungan kung paano ito gagamitin ay isang biyaya.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Nananatili sa landas ang iyong kapalaran at hindi nag-iiba ng daan.
ni Lady Dee