Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang ‘underrated punch’ ni Manny Pacquiao

042715 pacman right hook

KILALA ang People’s Champ Manny Pacquiao sa lakas ng suntok ng kanyang kaliwang kamao, ngunit sa nakalipas na mga taon ay pinursigi din ng kanyang trainer na si Freddie Roach na gawing isang tunay na sandata ang kanyang kanang kamay.

Kaya maitatanong na rin kung ano na nga ba ang nagawa sa puntong ito?

Tunay nga kayang matinding sandata na rin ang kanang kamao ng ating pound-for-pound king?

Binansagan ni Connor Ruebusch ng Bloody Elbow ang ‘right hook’ ni Pacquiao bilang pinaka-‘underrated punch’ ng Pinoy boxing icon.

Kung ito man ay totoo, maaring ito na ang ‘secret weapon‘ ng Pambansang Kamao na siyang gagapi sa pamosong Floyd Mayweather Jr.

Kaugnay nito, ibinasura naman ni Floyd Sr., ang mungkahing may maitutulong kay Mayweather ang dating conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza, partikular na sa paghahanda ng kanyang anak sa pagharap kay Pacman.

“Palakasin siya (Mayweather)? Wala naman siyang pinapalakas,” sabi ni Floyd Sr., sa panayam ng ontheropesboxing.com,

“Wala siya. Nandoon siya sa loob, at hindi ko alam kung ano ang papel niya pero hindi niya pinapalakas ang training ni little Floyd. Si Floyd pa nga ang tumutulong sa lahat, at hindi lang iisang tao,” dagdag ng ama ni Mayweather Jr.

Makaraang sibakin sa kampo ni Pacquiao, lumipat si Ariza sa gym ni Robert Garcia para tulungan makapaghanda si Brandon Rios kontra kay Pacman noong 2013. Dangan nga lang ay dinomina pa rin ng Pinoy champ si Rios sa buong 12 round. Kasundo nito’y sinibak din si Ariza sa kam-po ni Rios.

“Wala siyang (Ariza) alam; wala si-yang alam sa boxing. Alam ko iyan. At alam kong hindi niya alam ang ano mang bagay sa boxing at hindi rin niya alam kung ano ang dapat sabihin niya,” punto ni Floyd Sr.

“At kung may alam naman siya, ito’y bagay na marumi at hindi kailangan ng sinuman,” pagtatapos ng matanda.

 

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …