Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Million-Dollar shorts ni Pacquiao

042715 pacman shorts

NAKATAKDANG kumita si eight-division world champ at Sarangani representative Manny Pacquiao ng nakalululang 1.5 mil-yong pounds, o US$2.23 milyon) mula sa kanyang boxing trunks, na kanyang isusuot sa pagharap sa kanyang super bout kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 3.

Sa ngayon pa lang ay natitiyak na ang iuuwi ni Pacquiao na 54 milyong pounds mula sa kinasasabikang bakbakan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas ay madaragdagan pa ng isa’t kalahating milyong British pounds mula sa kanyang shorts.

Gagawing mas mahaba ang shorts na ito para mailagay ang mga advertising logo mula sa hindi bababa ng 10 kompanya, ulat ng pahayagang The Mirror.

Ipinaliwanag naman ng business manager ng Pambansang Kamao na si Eric Pineda, iba ang rate para sa labang ito kung ihahambing sa mga nauna, at sa kasalukuyan ay anim na ang kompirmadong kompanya na maglalagay ng kanilang logo sa trunks ni Pacman.

Dangan nga lang ay maliit pa rin ang kikitain ng kinatawan ng Sarangani kay Mayweather dahil ang wala pang talong pound-for-pound champion ng Estados Unidos ay tatanggap ng pambihirang 80 milyong pounds, o US$119 milyon, para sa welterweight showdown na binansagang ‘mega-fight of the century’ at ‘battle for greatness’ ng dalawang kampeon.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …