Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 20)

00 ganadorIKINASA NG DALAWANG BIGTIME NA APISYONADO ANG SUSUNOD NA LABAN

Naging masigla ang pag-uusap ng dalawang may edad na lalaki sa harap ng imported na alak at pulutang inihaw na baka. Marami silang naging paksa sa mga kwento-kwentohan. At sa dulo’y napagkasunduan ang muling pagtatanghal ng “Matira Ang Matibay” sa pagsapit ng pistang-bayan.

“Magandang ideya ‘yan, Don Brigildo. Sige, paghandaan natin ‘yan…” sabi ni Mr. Rojavilla.

“Cheers!” ani Don Brigildo sa pagtataas ng kopita ng alak sa mga panauhin.

Sa kalagitnaan pa ng taon ang pistang-bayan. Pero naging usap-usapan na agad ng taumbayan ang gayong plano nina Don Brigildo at Mr. Rojavilla.

“Tiyak na mas malaki ang magiging pa-premyo ni Don Brigildo.”

“Pwede raw lumahok ang kahit taga-ibang bayan.”

“Balita ko, tatlong pares ng mga kalahok ang balak pagharap-harapin sa paligsahan.”

“Teka, ano na ang balita kay King Kong? Makakasali pa kaya ‘yun?”

“Ewan… Dalawang araw daw walang malay sa ospital matapos ma-knockout nu’ng Ganador, e.”

“Kawawa naman si King Kong… “

Nakarating kay Rando na hindi iilan ang nalungkot sa naging kapalaran ni King Kong sa ibabaw ng ruweda. Ang hindi niya alam, hindi rin iilan sa mga kabataan sa kanilang bayan ang nag-iyakan nang maospital ito matapos ang kanilang laban. Narinig din niya:

“Pangit man ang panlabas na kaanyuan, e napakaganda naman ng kalooban ni King Kong.”

“Ay, talaga! Hindi biro-biro ang ginagawa n’yang pagmamalasakit at pagkali-nga sa ating mga kabataan.” (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …