Saturday , November 23 2024

Hindi dapat magpa-bully sa China ang mga Pinoy

00 Bulabugin jerry yap jsyWALANg dapat ikatakot ang gobyernong Pinoy sa pambu-bully ng China.

Ang tinutukoy natin dito, ang tila pagyayabang ng China na kayang-kaya nilang durugin ang Pinas sa pamamagitan ng kanilang malalakas na armamento at maraming sundalo.

Hindi laging lakas ang nagtatakda ng TAGUMPAY.

Mas matamis ang tagumpay na napagwagihan sa pamamagitan ng paggigiit ng tama at naaayon sa prinsipyong diplomatiko.

Ang paggamit ng LAKAS ay nangangahulugan ng kakapusan sa kakayahang tindigan ang katuwiran na nakabase sa tamang prinsipyo at katotohanan.

Kung katotohanan at tamang katuwiran ang nais igiit ng China sa isyu ng islang kanilang inaangkin ngayon, bakit kinakailangan mag-estasyon ng mga barkong panggiyera at sandamakmak na sundalong-Tsino?!

Bakit kailangang magpaalam ng mga kababayan  natin tuwing sila ay mangingisda?!

Talaga bang hindi kinikilala ng China ang mga pandaigdigang batas at tribunal?

Sa isang banda naiintinidhan natin ang pagmamatigas ng China lalo na’t kung ang ginagamit nilang basehan sa kanilang pag-aangkin ang tinatawag na ‘OLD WORLD ORDER.’

Pero hindi ito nangangahulugan na papayag na lang tayo basta na ‘bastusin’ sa usaping pang-diplomatiko ng bansang mas malaki ang nakukuhang pakinabang sa ating mga likas na yaman.

At dito natin gustong sabihin kay PNoy na kung gusto niyang bigyan ng leksiyon ang bansang China sa ginagawang pambu-bully sa atin, dapat niyang pag-aralan ang mungkahi ng isang militanteng mambabatas.

Ito ‘yung mungkahing tanggalan ng lisensiya ang mga kompanyang Chinese sa industriya ng pagmimina. Baka nalilimutan ng China na sandamakmak ang mga kompanya nila na naririto sa bansa para magmina.

Baka nalilimutan nila na maraming mineral ang napakikinabangan nila sa ating bansa?! Ultimo ang kanilang yamang-dagat ay hindi nakasasapat sa pangangailangan ng malaking bilang ng kanilang populasyon kaya nga kailangan pa nilang dumayo ng pangingisda.

Hindi dapat mawala sa isip ng China na naririto sa bansang Pinas ang marami nilang kababayan na mas marami ang ilegal na nakapaninirahan?!

Hindi rin ba naiintindihan ng mga Tsino na tayo ay mas mabuting kaalyado kaysa kaaway?!

Ito ay hindi lamang paalala sa maaangas na Tsino kundi maging sa nakalilimot nating gov’t officials.

In short, dapat patalasin ng administrasyon ni PNoy kung paano bibigwasan ang China sa diplomatikong pamamaraan para naman maitaas ang morale ng kanyang mga mamamayan.

Sa katotohanan lang tayo

TUNAY na walang makahahadlang kapag nasa katotohanan ang laging paninindigan. Mapalad pa rin ang lipunan kapag may mga taong tunay na  naninindigan pagdating  sa pagtatanggol ng katotohanan at  pagsisiwalat ng mga  mali at kung sino ang  mga nagpapangap pero tunay na mga  salot dito sa lipunan nating malapit nang  malimot bunga na rin sa  mga maling lider at masasamang  tao. Mabuhay kayo Ka Jerry,  Ka Percy at Mayor Lim at lagi po kayong  gabayan ng  Diyos.  – Katropa Donald, Sta. Maria, Tondo, Manila

#+63919665 – – – –

Traffic sa 5th Ave., Caloocan City bigyang-pansin

SIR JERRY, saludo po ako, kung talagang nagagawa nina Mayor Oca ang isinulat mo sa column mo. Sana po bigyan din nila ng pansin ang traffic sa 5th Ave n umaabot n hanggang 2nd Ave., dahil sa mga jeep na nagpapang-abot sa kanto ng Jollibee 5th Ave., Salamat po. #+63922861 – – – –

Ikinahihiya na  siya’y Pulis-Maynila

KA JERRY, ang pag-aresto sa inyo ang dahilan kung bakit hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon na naging pulis Maynila ako. Puro kotong at mga bobong pulis ang nakakasama ko araw-araw na ang alam lang ay magkapera. Para silang patay-gutom na nanghihingi ng abuloy sa mga vendor para sa pamilya nila.  – #+639071790935

‘No Take Policy’ ni Gen. Valmoria, meron ba?

GOOD pm magtatanong lang po akala ko po no take policy si Gen. Valmoria, bkt may Major Lacsamana ng rpiou na nanghi2ngi ng lagay sa mga sugalan, gamit ang ncrpo. Siya rw ang kolektor ni Gen. Valmoria. 

#+63915301 – – – –

Baluktot at ibinulsang katuwiran

Yang mga “dasa’dasa n0nsense”at mga hindur0p0t na mga ot0rni dit0 sa lipunan natin, sila talaga ang mga nagpapalub0g, bumababuy dit0 sa lipunan nating baliktad na ang sistema balukt0t at iginap0s ang mga batas na tama, ultim0ng katarungan ibinulsa na nila at nilalam0n nilang mga masasamang ta0 o mga sal0t! Mabuhay kay0 diyan mga Katapat! Katropa Donald ng Tondo!!!                             

#+63919665 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *