Thursday , December 26 2024

Too late the hero na naman ang PH government sa Veloso case

00 Bulabugin jerry yap jsy

HETO na naman tayo…paulit-ulit na lang…

Hindi na naman magkandaugaga ang gobyernong Aquino sa paghahabol sa kaso ng Pinay na convicted drug courier sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Kung kailan ilang araw na lang at isasalang na sa bitayan, saka pa lamang nagkukumahog makiusap ang gobyerno.

Umepal ‘este’ bumiyahe pa si VP Jejomar Binay sa Indonesia at nagpe-playing hero at nag-aala-tsambang makausap si President Joko Widodo para ‘arborin’ umano ang parusang bitay kay Veloso.

WTF!?

Ilang beses na ba natin napanood ang ganitong response ng gobyerno, pero as usual, nabibitay pa rin ang ating mga kababayan na may kasong droga.

Kasi nga, kung kailan lang umiinit ang usapin at ipa-firing squad saka lang din gumagawa ng aksiyon ang gobyerno.

Sabi nila, mula raw nang mahuli si Veloso at dumaraan sa proseso ng paglilitis ay hindi pinabayaan ng Philippine government si Veloso.

Pero hindi rito nag-umpisa at natapos ang responsibilidad ng pamahalaan sa kaso ni Veloso at iba pa nating mga kababayan na may ganitong karanasan.

Pero sabi nga, ang pagkakakulong ni Veloso na humantong sa pagbitay dahil sa droga ay hindi niya nag-iisang reponsibilidad sa sarili at sa bansa.

Huwag na natin bigyan ng katuwiran na ang pagkakasangkot niya sa nasabing ilegal na gawain ay bunsod ng kahirapan.

Pero wala tayong magagawa, dahil iyon talaga ang nagbunsod kay Mary Jane, gusto niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, ‘yun nga lang mali ang kanyang pamamaraan.

At kahit saang bansa sa Asya, BITAY ang laging kaparusahan sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Dito lang nga sa Filipinas — ang tanging Katolikong bansa sa Asya — ang hindi pumapabor na magpataw ng bitay sa mga karumal-dumal na krimen.

Kaya siguro hindi nadadala ang mga sindikatong dayuhan na gawing pabrika at transient point ng ilegal na droga ang ating bansa.

Kumbaga, pera-pera lang daw kasi ang katapat ng ilang law enforcers dito sa bansa.

Anyway, back to Veloso’s case, kaialn pa kaya magigising ang ating gobyerno?!

Trabaho sa sariling bansa, disenteng suweldo, maayos at epektibong social services gaya ng edukasyon, kalusugan, pabahay atbp., ang solusyon para makaiwas sa mga ‘mapanuksong’ sindikato ng droga ang ating mga kababayan.

Sana ay ganoon lagi ang FORESIGHT ng mga politiko sa ating bansa.

Hindi gaya ngayon na ang effort ay para umepal lang.

AKUSASYON NG HK SOLON NA HOMEWRECKER ANG MGA PINAY MALAKING INSULTO MAGING SA KANILANG KALALAKIHAN!

IBANG klase rin pala mag-isip itong si Hong Kong solon Regina Ip.

Mantakin ninyong tawaging ‘homewrecker’ ang mga Pinay, ‘e kung tutuusin nga, malaking tulong sa kanila ang pagsisinop ng ating mga kababayang babae sa kanilang mga tahanan.

‘E kung wala silang mga Pinay na kasambahay sa kanilang mga tahanan, maisusulong ba nila ang kanilang karera at kikita ba sila nang malaki para makasunod sa cosmopolitan life sa Hong Kong?!

Hindi naiisip ni Ip, na ang mga Pinay ay hindi lang kasambahay kundi mapagmalasakit na tagapag-alaga rin sa kanilang mga anak.

Hindi rin ba naiisip ni Ip na iniinsulto niya ang kalalakihan sa kanilang bansa sa mga sinasabi niya?!

Noong July 2008, naalala pa natin ang ginawang harassment ng mga HK police sa mga mamamahayag na nagko-cover sa pila ng mga bumibili ng ticket para sa Olympics. Nagkomento si Ip nang ganito: “…neck-shoving (techniques)… were most effective in stopping trouble-makers.”

Kinabukasan, nagsalita siya na sinusuportahan niya umano ang FREEDOM OF THE PRESS, humingi ng paumanhin at sinabing iyon ay ‘slip of the tongue’ lamang.

Hindi raw niya ibig sabihin na trouble-makers ang mga journalist at hindi siya natutuwa sa ginawa ng mga police HK.

‘E burara naman pala talaga sa pagkokomento itong si Ip?!

‘E paano kung sabihin niya ngayon na ‘slip of the tongue’ na naman ‘yang ‘homewrecker’ comment niya?!

Sabi nga ng kanyang kapwa HK solon na si Democartic Party lawmaker Yeung Sum, “Freudian slip showed her true colors.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *